• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naging totoo lang sa kanyang nararamdaman: YASSER, inamin na nagkaroon ng pagtingin kay CLAUDINE

INAMIN ni Yasser Marta na nagkaroon siya ng pagtingin kay Claudine Barretto nang gawin nila ang GMA/Regal Entertainment series na “Lovers/Liars.”

 

 

Ginawa ng Sparkle hunk ang pag-amin nang masalang sa “hot seat” ng programang “Sarap Di Ba?” nina Carmina Villarroel at mga anak nito na sina Mavy at Cassy Legaspi.

 

 

Sa naturang segment, tinanong si Yasser kung gaano sila ka-close ni Claudine?

 

 

Sagot ng aktor: “Well, sa closeness namin ni Miss Clau, 10 talaga. As in sobrang naging close kami, ginagawa namin yung ‘Lovers/Liars.’ Talagang oo.”

 

 

Sinabi rin ni Yasser na naging kaibigan na rin niya ang mga anak ni Claudine.

 

 

Sunod na tanong ay kung nagkaroon ba siya ng feelings para kay Claudine?

 

 

Sagot ni Yasser: “I’m going to be honest. Totoo. Ako naman, ‘yung naramdaman ko at that moment, naging totoo ako, gusto ko rin naman talaga si Claudine. Kahit hindi siya si Claudine, kahit naman sinong lalaki, magugustuhan pa rin po siya eh. Bukod sa mabait, napakalambing, napakabuti ng puso niya.”

 

 

***

 

 

NAISUOT na ni Glaiza de Castro ang bagong warrior costume ni Sang’gre Pirena sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang’gre.

 

 

Kuwento ni Glaiza sa 24 Oras, hindi niya naiwasang kiligin sa excitement sa pagbabalik bilang Sang’gre Pirena.

 

 

“Nakakailang taping days na rin po ako. Habang ginagawa namin ‘yung mga eksena namin, saka ko binabalikan si Pirena. Ang maganda naman sa ‘Sang’gre,’ hindi mahirap balikan.

 

 

Ayon pa kay Glaiza, dumating din sa punto na naging emosyunal sila ni Bianca Umali nang malaman ang mga gagawin nilang eksena.

 

 

“Kagabi ipinakita sa amin ni Bianca ni Direk Mark [Reyes] ‘yung ibang mga eksena, they put it all together. Naiyak kami kasi parang this time, masaya kami na na-continue ang legacy ng ‘Encantadia,'” sabi ni Glaiza.

 

 

Nagsimulang sumalang si Glaiza sa taping ng Encantadia Chronicles: Sang’gre noong Marso.

 

 

Makakasama ni Glaiza sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA ang bagong henerasyon ng mga Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.

 

 

Magbabalik din sina Sanya Lopez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Rocco Nacino mula sa Encantadia 2016.

 

 

Nasa serye rin sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

 

 

***

 

 

SASABAK sa Jinseo Arigato International Film Festival ang comedy film ni Njel de Mesa na Malditas in Maldives.

 

 

Pinagbibidahan ito nina Arci Muñoz, My Guardian Alien star Kiray Celis at ni Janelle Tee.

 

 

Ang Jinseo Arigato International Film Festival ay isang paraan para ipagdiwang ang Cross-Cultural Cinematic Achievement ng mga Pilipino at Japanese sa larangan ng pelikula.

 

 

Gaganapin ang festival sa May 25-26, at ipapalabas ang mga pelikula sa Philippine Cinemas pagkatapos nito.

 

 

Nag-post kamakailan ang NDM Studios sa kanilang Facebook page at nagpahtid ng kanilang congratulations.

 

 

“OFFICIAL JAPANESE TRAILER – PANG-INTERNATIONAL NA YARN!!! CONGRATULATIONS, OMEDETO GOZAIMASU for being selected as one of the entries to the JINSEO ARIGATO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL (in Japan) –to our hardworking cast, staff, production, and creative team for this cinematic achievement kineme!” sulat nila sa post.

 

 

Sa hiwalay na Instagram post, sinabi ng studio na honored silang mapabilang sa unang announcement video kung saan makikita ang iba’t ibang pelikula na kasama sa film festival.

 

 

Iikot ang kuwento ng pelikula sa tatlong vloggers na gusto mag-feature ng isang magarang resort sa Maldives. Ngunit mapapansin ng tatlo na tila paulit-ulit ang mga pinagdadaanan nilang araw, dahilan para maghinalang sumakabilang buhay na sila.

 

 

Bukod sa Malditas in Maldives, makakasama rin sa film festival ang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na That Kind of Love. Napili ang kanilang pelikula bilang spotlight entry sa nasabing film festival.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Bulacan, sumailalim na sa alert level 2

    LUNGSOD NG MALOLOS – Isinailalim na ang Bulacan sa Alert Level 2 alinsunod sa alituntunin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).     “Napababa na po natin ang mga kaso, nasa low risk na po tayo. Nasa 26 na lamang ang ating positivity rate. Ang ating average daily attack rate ay nasa […]

  • DILG, kinumpirma ang intel ukol sa plano na guluhin ang inagurasyon ni Bongbong Marcos

    KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang  intelligence reports kaugnay sa  di umano’y plano na guluhin ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Tiniyak ng DILG na nakahanda ng ang  mga pulis na tugunan ang mga pagbabanta.     Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na […]

  • PAOLO, inamin na may ‘herniated disc’ dahil nasa lahi nila

    SA Instagram account (@pochoy_29) ni Paolo Ballesteros, may isang netizen na nagtanong sa isa sa host ng Eat Bulaga sa kapansin-pansin na posture niya.     Comment ni @irmabaylen78, “Hi, Pao! I always watch eat bulaga. Stress reliever ko kayong lahat. Medyo bothered ako sayo Pao. Napansin ko kse yun likod mo. May scoliosis ka […]