• April 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagkaayos na kaya magkasama noong Pasko: SHARON at KC, masayang sinalubong ang pagpasok ng bagong taon

ISA kami sa natutuwa dahil magkasama nung kapaskuhan ang nagkatampuhang mag-ina na si Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion.
Siyempre happy rin ang mga Sharonian dahil masaya ang pasok ng taong 2025 dahil  nagkaayos na ang mag-ina.
Sa post ni KC ay binanggit niya na best Christmas ever daw niya iyon.
Nag-post rin si KC ng mga nangyayari sa buhay niya nung nakalipas na 2024 at sa caption niya ay nagpasalamat pa siya dahil nagkaayos na silang mag-ina.
Makikita sa video ni Sharon habang nilalaro ang furbabies ni KC na sina Churro at Chica.
Dagdag pa ng aktres na perpect way raw iyon para sa pagbubukas ng panibagong taon.
Siyempre ganun na lang ang pasasalamat ni KC sa Itaas dahil ang ganda raw ng timing nito.
“Forever yours, my mama.” Banggit pa ni KC Concepcion.
Ni-repost naman yun ng Megastar kasabay ng greetings sa panganay na anak, “Happy New Year, my baby! I love you.”
Nag-post din si Sharon ng litrato nila ni KC na may caption na “Baby #1 of 4 and me”
Pero kaloka lang dahil may mga netizens na tila ayaw nilang maging masaya ang mag inang Sharon at KC.
Ayon sa mga ito ay bumabalik lang daw si KC sa nanay niya kapag may problema siya sa pag-ibig.
Pati ang asawa ni Mega na si Senator Kiko Pangilinan ay iniintriga din ng netizens.
Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin nagkakaayos sina KC at Sen. Kiko.
***
VERY much happy pa rin kami sa mga kaibigang newscaster na si Adrian Ayalin.
Si Adrian na ang bagong news anchor ng ‘TV Patrol Weekend’ simula sa Sabado, Enero 4, 2025.
Makakasama ni Adrian bilang kanyang co-anchor na si Zen Hernandez sa paghahatid ng mga maiinit na balita sa loob at labas ng bansa tuwing Sabado at Linggo.
Nag-umpisa si Adrian early year 2000 bilang tagahatid balita sa “Express Balita” ng channel 13. Kasama niya ang then newscaster din noon na si Precious Hipolito.
Inagaw ng pulitika si Precious pero si Adrian ay nagtuloy-tuloy at lumipat sa Kapamilya network.
Nag-message kami kay Adrian congratulating him.
“Hehe salamat Kuya Jimi. Nahiya ako haha, thank you sa mga bosses  ko sa ABS CBN”, sey pa niya.
Hasang-hasa na si Adrian bilang isang mahusay na mamahayag ng ABS-CBN News magmula 2004, kung saan siya ang nakatoka sa pagbabalita ng mga pangyayari sa mga sangay ng gobyerno, pati pagtalakay sa mga hagupit ng kalamidad, armadong hidwaan, at iba pa.
Kasabay rin ng kanyang tungkulin sa ABS-CBN News, malugod din niyang ipinamamahagi ang kanyang kaalaman sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, kung saan din siya nagtapos bilang Cum Laude ng Broadcast Communication.
Pakatutukan ang mga maiinit na balita at impormasyon kasama sina Adrian at Zen sa ‘TV Patrol Weekend’ tuwing Sabado at Linggo, 5:30 ng hapon sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ALLTV, ANC, Radyo 630/Teleradyo Serbisyo, at digital platforms ng ABS-CBN News.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • Tambay kulong sa hindi lisensyadong baril sa Navotas

    TIMBOG ang 22-anyos na tambay na nag-iingat ng hindi lisensiyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang tirahan sa bisa ng search warrant sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.     Bago nadakip ang suspek na si alyas “Buboy”, nakatanggap na ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas City Police Chief P/Col. Mario Cortes hinggil […]

  • PBBM nilagdaan na ang batas na magtataas sa P10-K teaching allowance ng mga guro

    NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, naglalayong suportahan ang mga public school teachers sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng allowances.     Layon ng nasabing allowance na pagaanin ang ‘financial burdens’ o pasanin sa pananalapi na nauugnay sa pagbili ng teaching supplies at materials, upang […]

  • PETISYON NG ABS-CBN, IBINASURA NG SC

    IBINASURA ng Supreme Court En Banc session,ang isinampang petition for certiorari and prohibition with appication for Temporary Restraining Order and injuction na isinampa ng ABS-CBN Corporation laban sa kautusan ng National Tele Commujication Commission (NTC).   Sa ipinalabas na resolusyon,sinabi ng SC dahil sa ginawang pagtanggi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga nakabinbin na […]