• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagmarka ang panalo ni Pringle kay Wright

Naging rekord bilang pinakamahigpitang labanan ang panalo ni Stanley Wayne Pringle, Jr. ng Barangay Ginebra San Miguel sa Best Player of the Conference nang kadaraos na  Online 45th Philippine Basketball Association (PBA) Special Awards Night.

 

 

Tinalo ng 33 taong-gulang na 6-1 ang taas na Filipino-American combo guard ng Gin Kings si Fil-Canadian Matthew Wright ng Phoenix Super LPG nitong LInggo, Enero 17 para sa pinakamataas na karangalang ginawad ng liga na ginambala ng Covid-19.

 

 

Ayon nitong Miyerkoles kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III,  butas ng karayom ang dinanan ng manlalaro ng alak upang manaig sa player ng Fuel Masters upang maging BPC ng 2020 Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble.

 

 

Kumolekta ng 1,640 points si Pringle kumpara sa pambato ng gasolina na naka-1,578,” para sa palugit lang ng dalawa na 62 markers.

 

 

Hinigitan nito ang panalo sa 2011 PBA Commissioner’s Cup BPC ni Jimmy Apalag ng TNT laban naman Mark Anthony Caguioa ng ng BGSM na naiwan noon ng 70 puntos. (REC)

Other News
  • Bilang ng mga mahihirap na pinoy, bumaba noong 2023- PSA

    BUMABA ang bilang ng mga mahihirap na Filipino noong nakaraang taon, 2023.     Ito’y ayon sa Full Year Official Poverty Statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA).     Sa katunayan, mula 19.90 milyon noong 2021, bumaba ito sa 17.54 milyon noong 2023. Dahil dito, ang poverty incidence ay 15.5% noong 2023 mula 18.1% noong […]

  • SANYA at ROCCO, reunited sa inaabangang primetime series na ‘First Lady’; kinakiligan pa rin ng fans

    REUNITED sina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa inaabangan na GMA primetime teleserye na First Lady.     Unang nagtambal sina Sanya at Rocco sa Encantadia noong 2016 at nasundan ito ng Haplos noong 2017.     Nagkaroon ng fans ang tambalan nila Sanya at Rocco at umasa silang magkakatuluyan ang dalawa, pero biglang lumitaw […]

  • 100 staff ng PGH babakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa unang araw ng rollout nito

    Aabot sa 100 tauhan ng Philippine General Hospital ang nabakuhanan kontra COVID-19 gamit ang gawa ng Sinovac ng China.     Ayon kay PGH Director Dr. Gap Legaspi, 20 hanggang 50 doses lamang ang una nilang pinaghandaan para sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program.     Subalit nabago ito matapos sabihin sa kanya ni […]