• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAGNEGATIBO SA COVID ANG BUONG DELEGASYON NG PBA

NAKAPAGPRAKTIS na ang Magnolia Chicken, Phoenix Super LPG, Terra Firma, Talk ‘N Text at Manila Electric Company o Meralco nito Huwebes.

 

Samantalang Biyernes naman ang defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel, Blackwater Bossing, NorthPort Batang Pier, Rain or Shine, Alaska Milk at NLEX.

 

Matapos ito na walang nasuring may Covd-19 sa buong delegasyon ng Philippine Basketball Association o PBA sa Bubble sa Clark Freeport sa Angeles, Pampanga.

 

Ipinahayag ni PBA Commissioner Wilfrido Marcial na mga nagpa-swab tests ang Hotshots, Fuelmasters, Tropang Giga at Bolts sa araw Lunes kaya nakapagpraktis na sa Angeles University Foundation gym. Martes ang mga swab test sa Beermen, Gin Kings, Bossing, Batang Pier, Elasto Painters, Aces at Road Warriors.

 

Tatalbog ang restart ng 45th PBA Philippine Cup 2020 eliminations sa darating na Linggo, Oktubre 11. (REC)

Other News
  • 137M doses ng Covid 19 vaccines para sa taong 2022

    TINATAYANG aabot sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang na-secure ng pamahalaan para sa susunod na taon. Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi na manggagaling ito sa iba’t ibang brands ng bakuna na nagbigay na ng commitment ng suplay sa bansa. “Maganda […]

  • Wala kaming bayaran sa socmed laban kay VP Robredo – Andanar

    MARIING itinanggi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na kumuha ng mga troll o bayarang vlogger o manunulat sa social media ang administrasyong Duterte para atakehin o siraan si Vice President Leni Robredo.   Tugon ito ni Andanar sa bintang ng kampo ni Robredo na mababa ang performance at trust rating ng Vice President dahil […]

  • 3×3 BASKETBALL TOURNEY, SABAY SA 45TH PBA OPENING

    UPANG mapataas ang ranking ng Pilipinas sa 3×3 basketball, pasisimulan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 3×3 tournament sa pagbubukas ng 45th season ng liga sa Marso 8.   Sinabi ni PBA Board Vice Chair at Columbian Dyip Governor Demosthenes Rosales, maliban sa kasalukuyang 12 PBA teams, magkakaroon din ang Mighty Bond at Dunkin Donuts […]