Nagpa-surprise ang mag-asawang Dingdong at Marian: ZIA, nagkaroon ng dalawang 7th birthday celebration
- Published on November 29, 2022
- by @peoplesbalita
DALAWA ang naging birthday celebration ng panganak na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes.
Sa actual date ng birthday niya at noong Linggo, November 27. Sa mismong birthday ni Zia, tila nagpa-surprise ang mag-asawa at walang idea si Zia na may naghihintay na surprises sa kanya. Pamilya at mga kasama lang nila sa bahay ang mga nando’n.
Pero sa 7th birthday ni Zia, present na ang mga relatives nila at mga kaibigan. Mukhang sa bagong bahay ng Dantes family ang naging celebration with Care Bears as the theme of the party.
Very precious talaga si Zia na mas lalo pang paganda nang paganda.
***
HINDI nagpahuli but instead, nakipagsabayan din talaga si Sean de Guzman sa mga de-kalibreang co-stars niya sa 2022 MMFF official entry na “My Father, Myself” na sina Jake Cuenca at Dimples Romana.
Kasama rin dito ang baguhan na si Tiffany Grey.
At siyempre, natutuwa si Sean dahil mismong ang director nila na kilala sa pagiging prangka at metikuloso ay pinupuri siya sa ipinakitang performance.
Ayon kay Sean, “Kay Direk po ako nag-start. Una ko pong pelikula ay siya ang naging direktor ko, ‘yung ‘Lockdown, tapos po Macho Dancer, at hanggang ngayon po, dito sa My Father, Myself siya po ang direktor ko.
“Sobrang thankful po ako kay Direk kasi siya ‘yung nag-launch sa akin at nang dahil sa kanya, nagkaroon po ako ng dalawang international best actor awards para sa Fall Guy, na siya po ang director.”
Malaki raw talaga ang natutunan niya kay Direk Joel na talagang naga-guide siya.
“Si Direk kasi ‘pag tsina-challenge ka niya, ano eh, nandun ‘yung hirap, pero nandun din ‘yung parang satisfaction mo as an actor na parang kailangan ko itong gawin para ‘yung pressure na nararamdaman ko galing kay Direk, parang ‘yung expectation niya kailangan kong ma-meet.
“So kahit magkamali ako, tuloy lang, nandiyan si Direk, gina-guide kami. Sobrang hands-on niya sa mga actors niya. Sabi nga ni ate Dimps, pantay-pantay ang tingin niya sa amin kapag nasa set kami. Walang maliit, walang malaking artista. Lahat pantay-pantay. ‘Yun po ang magandang bagay kay Direk.”
Sabi rin ni Sean, marami rin daw siyang natutunan talaga kay Jake bilang co-actor. Ang eksena nila sa movie ay siguradong tatatak sa mga manonood.
(ROSE GARCIA)
-
TOM at ZENDAYA, nadi-date na at nahuling naghahalikan sa loob ng kotse kaya nag-trending ang #Tomdaya
NAG-TRENDING sa social media ang #Tomdaya dahil sa pagkumpirmang nagde-date na ang Spider-Man star na si Tom Holland at ang co-star niya na si Zendaya. Namataan sina Tom at Zendaya na naghahalikan sa loob ng Audi sports car sa Los Angeles. Ang photographer na nakakuha ng photo ay natiyempuhan ng laplapan ng dalawa […]
-
PDu30, inaprubahan ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na kailangan na pisikal na magreport sa trabaho habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) period mula Abril 12 hanggang Mayo 14 o Mayo 31. Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, na ipinalabas araw ng Miyerkules, […]
-
Pilipinas, dapat igiit ang hustisya at kabayaran sa mga nasugatang Pilipinong marino
DAPAT igiit ng Pilipinas ang hustisya at kabayaran sa mga nasugatang Pilipinong marino at nasira nilang barko dala sa ginawang pagbangga ng Chinese coast guard sa naturang navy ship sa may West Philippine Sea. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang nasabing lugar ay bahagi ng maritime zone na tinukoy ng Permanent […]