• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpaalala sa isyu ng mental health: CATRIONA, ‘di pa rin makapaniwala sa biglaang pagpanaw ni CHESLIE KRYST

HINDI pa rin makapaniwala si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang biglaang pagpanaw ni Miss USA 2019 Cheslie Kryst noong nakaraang January 31 dahil sa pagtalon nito mula sa high rise apartment building sa New York City.

 

 

Malalim daw ang pinagsamahan nila ni Cheslie dahil isang taon silang naging roommates sa Miss Universe NYC apartment noong 2018 hanggang 2019.

 

 

Tawag ni Queen Cat kay Cheslie ay “Mama Bear of the house” at sibrang sipag daw nito sa pagtulong sa maraming charitable organizations. Pero kapag nasa apartment na raw sila, para raw siyang big sister ni Cat na maasikaso at nagbibigay ng advise.

 

 

Kaya sa kanyang IG post, pinaalala rin ni Catriona na importanteng kumustahin ang mga mahal natin sa buhay dahil hindi natin alam kung sino ang nagsa-suffer sa mental health na siyang puwedeng magtulak sa isang taon na mag-suicide.

 

 

“Ches…I can’t believe the news. Rest in peace angel. The world will miss your light. @chesliekryst. If you or someone you know is considering suicide, please contact the National Suicide Prevention Lifeline at 1-800-273-TALK (8255), or go to suicidepreventionlifeline.org.

 

 

Also, let’s reach out to friends and loved ones. These continue to be isolating times, mental health is so important, let’s not downplay its importance in the lives of every individual,” caption ni Catriona.

 

 

Bukod sa pagiging abogado at nakoronahang Miss USA, na-nominate pa for an Emmy Award si Cheslie sa kanyang pagiging correspondent sa show na Extra. Nag-serve din siyang National Board of Directors for Big Brothers Big Sisters of America.

 

 

Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Cheslie noong umaga ng January 31 sa sidewalk outside Orion Condominium Building kunsaan ito naka-reside. Her death was confirmed as “death by suicide”.

 

 

***

 

 

NAIIYAK pa rin daw si Boobay tuwing tinatanong siya tungkol sa kanyang lovelife.

 

 

Inamin ng host ng The Boobay and Tekla Show na hindi pa rin siya nakaka-move on sa dati niyang relasyon.

 

 

Hindi raw niya kasi basta-basta na lang makakalimutan ang siyam na taong pagsasama nila ng ex-boyfriend niyang si Kent Resquir.

 

 

“Hindi pa ako naka-move on, pero in a way na tanggap ko na na hindi na siguro puwede maging kami. Pero ‘yung move on na kahit papaano sana na personal, malaman ko ‘yung dahilan talaga,” maluha-luhang kuwento pa ni Boobay sa programang Mars Pa More.

 

 

July 2021 noong pormal na maghiwalay sina Boobay at Kent. Hindi na raw nila parehong kaya ang LDR (Long Distance Relationship). Naka-base na kasi si Kent sa Australia kunsaan nagtatrabaho ito bilang Physiotherapist.

 

 

***

 

 

ANG country singer na si Mickey Guyton ang siyang aawit ng National Anthem sa Super Bowl LVI on February 13.

 

 

Ang 38-year old ‘Black Like Me’ singer ay nag-share ng video on social media kunsaan masayang-masaya siya sa natanggap na balita.

 

 

“Look at God. I am shook, I am grateful, I am praise dancing… So excited to be singing the national anthem at #SBLVI on February 13th! @nfl @nbcsports. Oh my god, what is my life right now? I need to do, like, a praise dance or something,” caption pa ni Mickey.

 

 

Nag-audition si Mickey noon sa American Idol Season 8 pero hindi siya pinalad na makapasok sa Top 24. Pero dahil sa audition niyang iyon kaya siya pinapirma ng recording contract with Capitol Records Nashville. Naging first single niya ang ‘Better Than You Left Me’.

 

 

Si Mickey ang kauna-unahang black singer na ma-nominate sa Country Music Awards for Best Country Solo Performance para sa hit single niyang ‘Black Like Me’. Naimbitahan na mag-perform si Mickey sa finale ng American Idol Season 19.

 

 

Ngayon ay susunod siya yapak ng mga famous singers na nag-perform ng National Anthem sa Super Bowl tulad nila Whitney Houston, Mariah Carey, Jennifer Hudson, Garth Brooks, Demi Lovato, Cher, at Carrie Underwood. 

 

 

The 2022 Super Bowl will take place at the SoFi Stadium in Inglewood, California. Ang mag-perform naman sa Pepsi Halftime Show ay sina Dr. Dre, Snoop Dogg, Eminem, Mary J. Blige, at Kendrick Lamar.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Hopkins pinayuhan ang mga retiradong boksingero na magpahinga na

    Pinayuhan ni dating boxing champion Bernard Hopkins ang kapwa niyang mga retiradong boksingero na huwag ng bumalik pa sa boxing ring.   Sinabi ng 51-anyos na boksingero na mahihirapan na ang mga ito na maghanap pa ng mga makakalaban.   Pagtatawanan na lamang ang mga ito dahil sa mabagal na paggalaw at mahinang pagsuntok dahil […]

  • Halos 100-K indibidwal isinailalim sa pre-emptive evacuation sa ‘Bagyong Odette’ – NDRRMC

    Nasa 26,430 pamilya o 98,091 indibidwal na ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong “Odette” mula sa apat na rehiyon.     Ayon kay NDRRMC Operations Center Chief Jomar Perez, pinakamarami sa mga ito ay ang mula sa CARAGA region na bumibilang ng mahigit 78,000 kasunod ang Region 8 na nasa mahigit 17,000; Region […]

  • Tulfo, Legarda, Villar nanguna sa ‘Pulso ng Bayan’ senatorial survey

    NANGUNA  sina broadcaster Raffy Tulfo, Deputy Speaker Loren Legarda at dating public works secretary Mark Villar sa latest senatorial preference survey ng Pulse Asia.     Sa survey na ginanap noong Pebrero 18-23, 2022, nanatili sa unang pwesto si Tulfo na nakakuha ng 66.9 percent; pumangalawa si Legarda (58.9%); at puma­ngatlo naman si Villar (56.2%). […]