Nagpadala ng mensahe sa mga nalungkot na Vilmanians: VILMA, tanggap at nagbigay-pugay sa bagong National Artists na kasama si NORA
- Published on June 13, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-GUEST kahapon (June 12) sa All-Out Sundays ang bumubuo sa cast ng Running Man PH, ang adaptation ng South Korean gameshow, na gagawin ng GMA Network.
Excited na sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Buboy Villar, at Mikael Daez. Hindi biro kasi na mapili at makabilang sa cast, at mag-stay ng one or two months sa South Korea.
The whole cast and production staff will shoot the whole season at the exact location ng original South Korean series! Kung excited na kayong malaman ang iba pang detalye ng bagong gameshow, pwede kayong mag-tweet using the hashtag #RMPhRoadToKorea.
***
NALUNGKOT pala ang mga fans ni Rep. Vilma Santos-Recto nang hindi siya makasama sa new set of awardees of National Artists for 2022, na nakasama na this time, si Superstar Nora Aunor.
Kaya madaling nagpadala ng message ang Star for All Seasons sa kanyang Vilmanians sa private group chat nila matapos nalaman na marami sa kanila ang nalungkot
Mensahe ni Ate Vi: “Thank you for reaching out. Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way.
“And yes, there is always a time for everything.
“Maraming salamat sa inyo dearest Vilmanians, sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat.
“Isang pagpupugay ang dapat nating ibigay sa ating bagong set of National Artists. Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga-hanga. I sincerely congratulate all of them.
“Mabuhay kayong mga Vilmanians!”
***
SUNUD-SUNOD na nagpu-post ang mga Kapuso stars, ang Sparkadas ng Sparkle GMA Artist Center, na nag-i-invite para sa GMA Thanksgiving Gala, sa pagdiriwang ng kanilang 72nd anniversary.
Ilan sa mga nag-post at nag-iimbita sina Heart Evangelista, Rodjun Cruz, Zephanie, Ashley Ortega, at Will Ashley.
Abangan kung kailan gagawin ang gala night na ito at kung saan ang venue ng celebration.
***
LAST Friday napanood na sa sport-serye na Bolera si Rayver Cruz bilang si Miguel “El Salvador.” Kasama niya sa serye si Kylie Padilla, Jak Roberto at Ms. Jaclyn Jose.
Nang i-offer pala kay Rayver ang serye, na-challenge siya kaya niya ito tinanggap, kahit alam niyang mahirap ang role na gagampanan niya, dahil hindi naman siya ganoon kahusay maglaro ng billiard.
“For me very challenging kasi talagang yung pagti-training sa billiards, hindi pwedeng dayain. Tinuruan talaga kami nina coach Johann Chua at George Gregorio na parehong gold medalists sa katatapos na SEAGames sa Hanoi, Vietnam,” sagot ni Rayver sa interview.
“Kailangan makuha ko ang tamang pagtira. Kaya ang sarap sa pakiramdam na dahil sa show na ito parang feeling ko professional billiards player na ako;”
Nasabi rin ni Rayver na magkatulad sila ni Miguel, dahil sa dedikasyon at passion niya sa career at sa personal niyang buhay.
Gabi-gabing sinusubaybayan ang husay sa paglalaro ng billiards nina Kylie at Rayver sa Bolera after First Lady sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
-
PhilHealth kinalampag sa utang sa private hospitals
Kinalampag ng Palasyo at Senado ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bilisan ang pagbabayad sa lumalaking utang sa mga pribadong ospital. Hinikayat ni Presidential spokesman Harry Roque si PhilHealth president at chief executive officer Dante Gierran na sundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayaran na ang obligasyon sa mga pribadong […]
-
Hard to tell yet- Herbosa
SINABI ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na mahirap pang sabihin kung ang bagong pagbaba sa kaso sa National Capital Region ay simula na ng downward trajectory ng infections. Tinanong kasi si Herbosa kung ang pagbaba ng kaso sa NCR ay nangangahulugan na ang surge dahil sa […]
-
SHARON, nakabalik na at inamin na may matinding pinagdaraanan kaya humihiling na ipagdasal
AFTER two months na vacation sa Amerika, nakabalik na ng bansa si Megastar Sharon Cuneta. First day of August siya dumating at ngayon ay sumasailalim pa sa mandatory 10-day quarantine sa isang bonggang hotel. Sa kanyang Instagram post, “Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August […]