PhilHealth kinalampag sa utang sa private hospitals
- Published on November 6, 2021
- by @peoplesbalita
Kinalampag ng Palasyo at Senado ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bilisan ang pagbabayad sa lumalaking utang sa mga pribadong ospital.
Hinikayat ni Presidential spokesman Harry Roque si PhilHealth president at chief executive officer Dante Gierran na sundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayaran na ang obligasyon sa mga pribadong ospital.
Ipinaalala pa ni Roque sa PhilHealth na maaapektuhan ang healthcare system ng bansa kung mawawala ang kooperasyon ng mga pribadong ospital.
Nakiusap din si Roque sa mga pribadong ospital na huwag ituloy ang balak dahil palagi naman silang sinusuportahan ng Pangulo.
Sinabi naman ni Sen. Grace Poe, na nasa COVID-19 pandemic ang bansa kaya hindi dapat manganib o makompromiso ang serbisyo ng mga healthcare institution nang dahil sa kakulangan ng pondo na dulot ng hindi pagbabayad ng PhilHealth.
Partikular na tinukoy ni Poe ang babala ng mga ospital na maaari silang magbawas ng operasyon o kaya ay tuluyang magsara.
Sa sandaling mangyari umano ito ay lalo lang magkakapunuan ang mga ospital sa gitna ng pandemya at madaragdagan pa ang walang trabaho.
Para naman kay Sen. Imee Marcos, kapag bumitaw ang mga ospital sa PhilHealth ay mawawalan umano ng silbi ang univeral healthcare at magiging malaking problema ang pagbabayad sa ospital ng magkakasakit na walang pera at trabaho. (Gene Adsuara)
-
12-anyos na estudyante natagpuang patay sa Malabon
PALAISIPAN sa mga awtoridad at sa pamilya ng 12-anyos na Grade 6 student na natagpuang patay habang may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City. Dakong alas-7 ng gabi noong sabado nang madiskubre ang bangkay ng 12-anyos na estudyante sa loob ng kanyang silid sa […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 54) Story by Geraldine Monzon
KAMPANTE si Cecilia sa kanyang naging desisyon. Akala yata ng tatlong ulupong ay mababahag ang buntot niya. Bago umalis ay itinutok pa ni Bert ang baril niya sa sentido ni Cecilia. “3 days lang ang ibibigay naming palugit para maibigay mo ang kailangan namin. Kung hindi, alam mo na ang mangyayari Cecilia, kaya […]
-
19 bangkay sa bumagsak na C-130 plane sa Sulu, nakilala na ng AFP
Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakakilanlan ng 19 sa 49 na sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 cargo plane noong Linggo sa Patikul, Sulu. Kabilang dito sina Major Emmanuel Makalintal, Major Michael Vincent Benolerao, First Lieutenant Joseph Hintay, Technical Sergeant Mark Anthony Agana, Technical Sergeant Donald Badoy, Staff […]