• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpakita ng kahusayan sa ‘Pulang Araw’… CASSY, pinupuri ng netizens sa pagganap bilang young BARBIE

PINURI ng netizens ang gumanap na batang Barbie Forteza sa epic-serye ng GMA na ‘Pulang Araw’ na si Cassy Lavarias.

 

 

 

 

Bukod daw kasi sa hawig nito si Barbie, nagpakita rin ng husay sa pag-arte ang 11-year old child actress sa unang episode pa lang. Na-capture nga raw nito ang character ni Adelina na dumaan sa maraming pagsubok sa buhay.

 

 

 

 

Ito ang second time na gumanap si Cassy na batang Barbie. Nauna ay sa ‘Maging Sino Ka Man’ last year.

 

 

 

Nagsimula sa pag-arte si Cassy nung 6-years old siya.

 

 

 

Una siyang lumabas sa teleserye na Magkaagaw bilang anak nila Jeric Gonzales at Klea Pineda. Nasundan ito ng Nakarehas na Puso, Maging Sino Ka Man at Stolen Life.

 

 

 

First movie naman ni Cassy ay ang ‘Mallari’ ni Piolo Pascual.

 

 

 

***

 

 

 

INAMIN ni Kapuso Global Fashion Icon Heart Evangelista na hindi niya kakayaning mabuhay kung wala ang kanyang asawa na si Senator Francis “Chiz” Escudero.

 

 

 

“Yes, because it’s a cruel world. Ayan nanaman ako, cruel, it is, it’s a mean world and without Chiz, I don’t know how I will survive because he’s my everything. Of course, God’s my everything naman. Mauna na lang talaga ako.”

 

 

 

Kuwento ni Heart tungkol sa kalusugan ni Chiz: “He’s very good, he’s super good now. He had an episode. I mean it was an episode, it was a scary episode, but it was a wake-up call for all of us to just really make sure that health is wealth, I mean it is. And now, he’s doing very good. Everything is perfect. And I make sure na perfect kasi if he goes, I go. If you jump, I jump, I swear. Ako na lang mauna, hindi ko talaga kaya. Hindi ko talaga kaya, hindi talaga.”

 

 

 

Bilang presidente naman ng Senate Spouses Foundation Inc., sey ni Heart na nangangapa pa siya.

 

 

 

“It’s very tough. It’s also very tough for me because I have a lot of questions, I don’t know what to do, I’m scared, but ayoko din naman siyang abalahin pa so I just have to trust my intuition and my heart that I mean well and I’ll do my best.”

 

 

 

***

 

 

 

AFTER 30 years ay nagkaroon ng reunion ang ilan sa cast ng hit US TV drama series ng ‘90s na ‘Melrose Place.’

 

 

 

Unang umere in 1992 ang ‘Melrose Place’ na tungkol sa buhay ng iba’t ibang young adults sa isang apartment complex sa West Hollywood. Nagtapos ang series in 1999.

 

 

 

Sa naganap na podcast reunion, nagkita muli sina Courtney Thorne-Smith (Alison), Daphne Zuniga (Jo), Laura Leighton (Sydney) and Grant Show (Jake). Pinanood nila ulit ang seven seasons ng MP at pinagtawanan na lang nila ang kanilang pag-arte sa iba’t ibang episodes. May ibang episodes naman daw na hindi na nila matandaan na ginawa nila.

 

 

 

Ang iba pang nakasama sa cast ng MP ay sina Heather Locklear, Marcia Cross, Kristin Davis, Jack Wagner, Thomas Calabro, Andrew Shue, Josie Bissett, Doug Savant, Vanessa A. Williams, Amy Locane, Janet Caroll, Beata Pozniak, Patrick Muldoon, Lisa Rinna, Rob Estes, Kelly Rutherford and Alyssa Milano.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA) 

Other News
  • Nangakong magsisikap pa para sa mga pangarap sa pamilya: HERLENE, ‘di mapigilang maiyak dahil natupad na magkaroon ng sariling sasakyan

    HINDI mapigilan ni Herlene “Hipon Girl” Budol na maiyak dahil natupad na ang matagal na niyang hiling na makabili ng sariling sasakyan.     Sa kanyang vlog, mapapanood ang pagbili ni Hipon ng kanyang kauna-unahang brand new car kasama ang manager na si Wilbert Tolentino.      Naging emosyonal si Hipon dahil matagal na raw […]

  • Mag-tita na sina Helen at Sharon, pararangalan din… TITO, VIC & JOEY, pasok sa sampung Icon awardees ng ‘The 5th EDDYS’

    SAMPUNG tinitingala at nirerespetong alagad ng sining ang bibigyang-pagkikilala sa gaganaping The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).     Tulad ng mga nagdaang taon, 10 mahuhusay at itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pararangalan ng SPEEd bilang mga Icon awardees ngayong 2022.     Ito’y […]

  • ASF lumalala?!

    KASABAY nang tinututukang kontrobersiyal na prangkisa ng ABS-CBN, pagkalat ng COVID-19 at ‘Pastillas Modus’ sa Bureau of Immigration, dumarami pa rin ang umaaray sa African Swine Fever (ASF) at patuloy ang paglaganap ng virus sa mga alagang baboy sa iba’t ibang bahagi ng bansa.   Kailangan nang itodo ang paghihigpit ng local government units (LGUs) […]