NAGPANGGAP NA NAKAPANGASAWA NG FILIPINOS, 2 KOREAN NATIONAL, PINIGIL SA NAIA
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Korean national na tinangkang iligal na pumasok sa bansa gamit ang iang pekeng entry visas sa pagpapanggap na nakapag-asawa ng isang Filipinos.
Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang dalawang Korean national na si Kim Jeongseong, 28, at Lee Seohyeon, 24, na dumating sa NAIA Terminal 1 sakay ng Aseana Airlines flight mula Incheon, South Korea.
“They both presented bogus tourist visas and marriage certificates purportedly showing that they are married to Filipino citizens,” aypn kay Manahan. “the passengers were immediately excluded and booked on the first available flight to their port of origin” dagdag pa nito. .
Ilalagay din ang dalawa sa immigration blacklist na mga undesirable aliens at hindi na muling makakapasok sa bansa.
Sa ginawang eksaminasyon sa kanilang mga dokumneto, lumalabas na peke ang mga ito at hindi rin sila pumasa sa mga pagtatanong hinggil sa kanilang mga napangasawa na mga Filipino.
“These acts of fraud and misrepresentation will not succeed because our officers in the airports are adept in detecting spurious travel documents,” ayon sa BI Chief. (GENE ADSUARA)
-
Binalangkas na IRR ng Anti Terror Law, tapos na – DoJ
Nasa tanggapan na ng Department of Justice (DoJ) ang binalangkas na implementing rules and regulation (IRR) ng Anti Terrorism Law na kaagad isailalim sa evaluation. Ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, natanggap niya kahapon ang unang binalangkas na IRR ng RA 11479 o Anti Terrorism Law of 2020. Ayon sa kalihim, kung kinakailangan […]
-
DALAGITA, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY
NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang Cavite police upang matukoy at maaresto ang pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita na natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City, Cavite Lunes ng umaga. Apat na mga kalalakihan ang persons of interest ng pulisya sa pagkamatay ng biktimang si “Angel”, 16, isang Grade 9 […]
-
‘Dancing doctor’ Eric Tayag itinalagang bagong DOH undersecretary
IN-APPOINT bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH) ang epidemiologist at infectious diseases expert na si Dr. Eric Tayag. Ang balita ay kinumpirma ni Tayag — na kilala sa paggamit ng pagsasayaw sa health-related campaigns bilang dating DOH assistant secretary — sa News5 ngayong Martes. Hinihingian pa naman ng media […]