• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAGPANGGAP NA NAKAPANGASAWA NG FILIPINOS, 2 KOREAN NATIONAL, PINIGIL SA NAIA

NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Korean national na tinangkang iligal na pumasok sa bansa  gamit ang iang pekeng entry visas sa pagpapanggap na nakapag-asawa ng isang Filipinos.

 

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni  Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang dalawang Korean national na si Kim Jeongseong, 28, at Lee Seohyeon, 24, na dumating sa NAIA Terminal 1 sakay ng Aseana Airlines flight mula  Incheon, South Korea.

 

“They both presented bogus tourist visas and marriage certificates purportedly showing that they are married to Filipino citizens,” aypn kay Manahan. “the passengers were immediately excluded and booked on the first available flight to their port of origin” dagdag pa nito. .

 

Ilalagay din ang dalawa sa immigration blacklist na mga  undesirable aliens at hindi na muling makakapasok sa bansa.

 

Sa ginawang eksaminasyon sa kanilang mga dokumneto, lumalabas na peke ang mga ito at hindi rin sila pumasa sa mga pagtatanong hinggil sa kanilang mga napangasawa na mga Filipino.

 

“These acts of fraud and misrepresentation will not succeed because our officers in the airports are adept in detecting spurious travel documents,” ayon sa BI Chief. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Umento sa suweldo ng mga guro inihirit

    ISINUSULONG ni ACT Teachers Rep. France Castro ang karagdagang suweldo sa hanay ng mga guro na hangad nitong maisama sa mga prayoridad na panukalang batas sa ika -19th Congress.     Sinabi ni Castro na napag-iwanan na ang suweldo ng mga guro kumpara sa mga nurse, pulis at militar pero tambak pa rin ang trabaho […]

  • 7 close contacts ng 2 Omicron cases, negatibo sa COVID-19

    Negatibo sa COVID-19 ang pito sa walong natukoy na close contacts ng dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.     Sinabi ni Health Underscretary Maria Rosario Vergeire na agad na isinailalim sa COVID-19 test ang pito na may negatibong resulta.     Nabatid na ang 48-an­yos na ‘returning Filipino’ mula sa Japan ay nagkaroon […]

  • Ravena, San-En taob uli

    Ito ang sinapit ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III nang mapulbos ng 32-puntos ng Akita Northern Happinets ang San-En NeoPoenix, 85-53,  sa 5th Japan B. League 2020-21 elims nitong Linggo.   Bumida para sa Akita si Noboru Hasegawa na  may 16 points mula sa pinamalas na 4-of-6 shooting buhat sa 3-point shot upang pabagsakin ng dalawang beses […]