Nagpapagaling na matapos maoperahan: GARDO, inatake sa puso dahil sa matinding physical activities
- Published on April 1, 2023
- by @peoplesbalita
DINALA sa ospital noong nakaraang linggo ang aktor na si Gardo Versoza matapos na atakihin sa puso.
Ayon sa misis ng aktor na si Ivy Vicencio, nanakit ang likod ng aktor, pero ayaw pang magpadala sa ospital noong una dahil may taping pa kinabukasan.
Kalaunan, nakumbinsi ni Ivy si Gardo na magpaospital, kaya dinala si Gardo sa Cardinal Santos Hospital.
Dito, natuklasang dalawang ugat sa puso ni Gardo ang barado, kaya sumailalim siya sa angioplasty. Kasalukuyang nagpapagaling si Gardo sa ICU.
Bago ito nangyari, may mga nagpapaalala na kay Gardo na maghinay sa physical activities dahil marami na siyang nararamdaman sa katawan.
Nagbisikleta si Gardo mula Pasig hanggang Tarlac ng siyam na oras dalawang linggo ang nakararaan. Noon namang nakaraang buwan, nagbisikleta naman si Gardo mula Maynila hanggang Laguna.
Nag-post naman si Gardo sa Instagram ng larawan niya habang nasa ospital kasama ang kaniyang maybahay.
“Thanks for everything shugs i love you [prayer, heart emojis] thank you LORD thank you doctors #heartattack,” caption ni Gardo sa larawan.
***
NAKAGUGULAT ang kuwento ni Coco Martin tungkol sa pagsisimula niya sa telebisyon.
Noong mga panahong ginawa niya ang mga sexy indie films na ‘Masahista’ at ‘Serbis’ ay nakakaranas raw siya ng rejection dahil isa siyang “bold actor.”
Una raw ay sa isang soap opera ng ABS na sana ay ka-love triangle siya nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, may inquiry na sa manager niyang si Brillante Mendoza para kunin sana siya sa show pero makalipas ang ilang araw ay nalaman niyang hindi siya natanggap dahil isa siyang bold actor.
Sumunod, sana ay gaganap siyang bading na bestfriend ni Judy Ann Santos sa isang pang soap opera; nguni’t ganoon rin ang nangyari, makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ng tawag si Brillante upang sabihin na hindi nakapasa si Coco dahil isa itong bold actor.
Pero ngayon, si Coco na ang Hari ng ABS-CBN kung saan maraming taong umere ang hit serye niyang ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’.
Samantala, maganda ang kuwento at twist ng ‘Apag’, masarap sa mata ang sinematograpiya at kagulat-gulat ang ending.
Nasa Apag sina Coco, Shaina, Jaclyn Jose, Gladys Reyes, Lito Lapid, Mercedes Cabral, Vince Rillon, Ronwaldo Martin, Julio Diaz at Ms. Gina Pareño.
Entry ito sa unang Summer Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa mga sinehan simula April 8.
Mula ito sa Center Stage Productions at Hongkong International Film Festival Society at kay Brillante rin na co-producer ng pelikula.
***
Ang ‘Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke’ ay tungkol sa sumpa, karma, suwerte at kamalasan kaya tinanong namin si Barbie Forteza kung naniniwala ba siya sa sumpa.
“Naniniwala ba ako sa sumpa? Sa sumpa siguro hindi. Pero sa suwerte at malas, sa karma? Oo.
“Pero sumpa not really,” sagot ni Barbie.
Tinanong naman namin si Barbie, bilang sariwa pa rin sa alaala ng marami ang phenomenal hit nilang ‘Maria Clara At Ibarra’, kung ano ang greatest o best lesson learned niya mula sa paggawa ng nabanggit na serye kung saan gumanap siya bilang pangunahing tauhang babae na si Klay.
“Na siguro as Klay na lang po, kahit na ano’ng course ang kinuha mo sa college o kahit anumang pinagdadaanan mo sa buhay bilang isang tao, importante pa rin na balikan ang history kasi doon babalik yung pagiging makabayan mo.
“Doon babalik yung pagmamahal mo sa bayan mo.
“So kailangan talaga, you have to know your roots and kung papaano talaga ipinaglaban ng mga kalahi natin itong bansa natin para mas mahalin natin siya,” sagot sa amin ni Barbie.
Finale na ng Lady & Luke sa GMA ngayong Linggo, April 2 alas sais ng gabi. Mula ito sa direksyon ni Rico Gutierrez.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
519.93 metric tons ng mga coins pinaretiro na ng Bangko Sentral ng Pilipinas
INIULAT ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tuluyan na nilang pinaretiro ang nasa 519.93 metric tons ng mga coins. Ibig sabihin nito ‘yong mga pera o coin na hindi na magagamit dahil sa demonetized, o kaya may sira-sira na. Tinatawag naman itong defacement process na sinimulan noong October 2021 hanggang […]
-
Knott makakaabot ng Olympics – Juico
KUMPIYANSA si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico na magku-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan si sprint runner Kristina Knott. Ito’y makaraang mag-silver medal sa Drake Blue Oval Showcase sa Iowa, United States nitong Sabado ng ng Fil-Am Kristina at giniba ang 33-year-old record ni Lydia […]
-
Ads March 18, 2022