Nagpapasalamat sa reunion project nila: DERRICK, ‘di na mag-a-adjust dahil si ELLE uli ang ka-partner
- Published on October 3, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPAPASALAMAT ang real-life couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio dahil sa kanilang reunion project na revenge-drama series na ‘Makiling.’
Nabuo ang loveteam nila sa 2022 GMA teleserye na ‘Return To Paradise’ na naging top-rater sa hapon.
“Masaya kasi siyempre siya ulit ang ka-partner ko, hindi na ako mag-a-adjust ulit sa mga ibang partner. Tsaka siyempre kilala namin ang isa’t isa, alam namin ang working style namin, and gusto ko ‘yung preparations namin before scenes. Gusto ko ‘yung mga ganu’ng bagay, napapadali ang work,” sabi ni Derrick.
Itatampok sa series ang mga usapin gaya ng sibling rivalry, bullying at mental health.
“Aside from the workshop that GMA gave us, kumuha pa kami ng personal workshop naming dalawa to get into our characters,” sey ni Derrick.
Sey naman ni Elle: “I guess naiisip lang namin na investment din siya para sa character namin at para sa sarili namin,” sabi ni Elle.
Kasama nila sa cast sina Thea Tolentino, TJ Marquez, Royce Cabrera, Myrtle Sarrosa, Claire Castro at Kristoffer Martin.
***
NAPILI na ang Top 4 finalist ng ‘Drag Race Philippines Season 2’ at sa linggong ito ay kokoronahan na ang ikalawang Philippine Drag Race Superstar.
Ang four remaining queens ay sina Arizona Brandy, Bernie, Captivating Katkat at M1ss Jade So.
Si Arizona Brandy na taga-Makati City ay representative ng Rapture Bar sa Cubao, Quezon City. Siya ang unang nakakuha ng Ru Badge para sa performance challenge na BOOGSH!
Si Bernie na taga-Mandaluyong City ay ang most established drag queen with 16 years of experience. Isang transwoman at regular performer sa O-Bar. Nakadalawang Ru Badge si Bernie para sa runway challenge (Fringe with Benefits) at sa Twinning The Shequel Challenge.
Si Captivating Katkat from Santa Maria, Ilocos Sur ay isa rin sa kilalang drag performers sa Pilipinas. Isa ring transwoman si Katkat na regular performer sa The One 690 Entertainment Bar in Manila. Nakadalawang Ru Badge siya for Snatch Game Challenge at sa runway challenge (Can I Get An Alien?).
Si M1ss Jade So na taga-Marikina City ay fashion design student at proud transgender woman. Nakilala siya sa social media dahil sa kanyang pagiging body queen at sa kanyang fierce advocate of doll domination. Nagwagi siya ng Ru Badge sa Doble-Kara Extravaganza.
Hosted by Paolo Ballesteros, the winner this season will receive 1 million pesos, a year’s supply of Anastasia Beverly Hills cosmetics, a crown and scepter.
Last year, si Precious Paula Nicole ang kinoronahan bilang first winner ng Drag Race Philippines.
***
ANG animated film na ‘Iti Mapukpukaw (The Missing)’, ang napiling Philippine entry to the 96th Academy Awards para sa category na International Feature Film.
“To support its campaign for the prestigious Oscars, the Film Development Council of the Philippines (FDCP) will be giving PHP1,000,000 through its Oscars Assistance Program to Dir. Papa and his team,” ayon sa official statement ng FDCP.
Tinanghal na best film sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2023 and Iti Mapukpukaw. Nagwgi rin ito ng NETPAC Award for full-length feature films.
Co-produced by Project 8, GMA Public Affairs First VP and GMA Pictures, tampok sa full-length animated film na dinirek ni Carl Joseph Papa sina Carlo Aquino, Gio Gahol at Dolly de Leon na nanalong best supporting actress.
(RUEL J. MENDOZA)
-
PDu30, labis ang pasasalamat sa tulong ng Japan sa economic dev’t ng Pinas
NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa Japanese government para sa pagsuporta nito sa economic development ng Pilipinas, partikular na ang pagsisikap na makumpleto ang kauna-unahang Metro Manila Subway Project (MMSP) sa bansa. “May I express my gratitude again to the Japanese government for partnering with the Philippines to make […]
-
Valenzuela City magbibigay ng P 6-milyong tulong sa Rolly victims
Magkakaloob ang Valenzuela City ng P 6-milyong financial assistance sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly sa ilang lungsod at munisipalidad sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes sa pagtatapos ng lingo. Nakasaaad sa Council Resolution No. 1871, Series of 2020, na awtorisado si Mayor Rex Gatchalian na maglabas ng podo mula […]
-
‘Betty’ humina, Signal No. 1 nakataas sa 12 lugar
HINDI na ‘super typhoon’ ang category ng bagyong Betty matapos itong humina habang nasa Philippine Sea. Ayon sa PAGASA, dala ng bagyong Betty ang lakas ng hangin na 175 km per hour at pagbugso na hanggang 215 kph. Sa kabila ng paghina nito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal […]