• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpapasalamat sila ni Alma sa sobrang pag-aalaga… SNOOKY, nag-sorry kay Mother LILY sa pagiging problematic

WALANG duda na noon ay kabilang sina Alma Moreno at Snooky Serna sa mga naging reyna sa Regal Films; lahat ng pelikula ng dalawang aktres para sa nasabing film outfit ay blockbuster.

 

 

 

At talaga namang sobra ang naging pag-aalaga sa kanila bilang Regal baby ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

 

 

 

Kaya naman isang pagpupugay ang nangyari sa guesting ng dalawang aktres sa recent episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” para sa kanilang beloved Mother Lily.
Lahad ni Alma, “Malungkot.”

 

 

Inalala ni Alma ang panahong pumirma siya ng kontrata sa Regal at ang naging pag-uusap nila ni Mother Lily.

 

 

“Sabi lang niya sa akin, ‘Gawa ka ng movie sa akin. Huwag kang mag-alala, aalagaan kita, parang anak ko na,’” kuwento ni Alma.

 

 

“Sobrang pag-aalaga tapos kapag medyo ninenerbiyos ako, nagbabantay siya sa set.

 

 

Nanay na nanay. Kasi siyempre ‘baby’ pa ako, magsusuot ka ng medyo sexy, binabantayan ka niya bilang nanay, naka-alalay siya.

 

 

“Mararamdaman mo sa kanya yung pagmamahal niya sa artista niya.

 

 

“Gusto kong pasalamatan si Mother sa sobrang alaga niya sa akin, bumaba man o tumaas yung career ko, never ako pinabayaan ni Mother Lily.

 

 

“Ang unang tumutulong sa akin si Mother Lily. Hindi mo na kailangan hingian,” sinabi pa ni Alma.

 

 

Ayon naman kay Snooky, “It’s a very sad day.

 

 

“I really feel that she is my second mother talaga.

 

 

Pumaimbulog ang kasikatan ni Snooky sa pelikulang “Underage” with of course Dina Bonnevie and Maricel Soriano.

 

 

“Looking back, thinking back, nakaka-miss yung mga punchline ni Mother, yung sense of humor niya, yung kabaklaan ni Mother, and yung warmth niya.

 

 

“Just the same, she’s really one of a kind, she knew what would work,” saad pa ni Snooky.

 

 

Dagdag pa ni Snooky, “I want to take this opportunity to say sorry, kasi may mga times din ako na medyo problematic, but Mother was always there to understand, to be by my side.”

 

 

***

 

 

HINDI lang pala sa singing and dancing nag-e-excel ang bunso ng SB19 na si Justin de Dios dahil magaling din si Justin sa acting at directing.

 

 

Sa recent episode ng online podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, ibinahagi ni Justin na kasama sa mga pangarap niya na maging isang aktor o visual artist.

 

 

Lahad niya, “To be honest, ako, siyempre, although I’m a performer, singer din po, yung pinaka-dream ko rin talaga, other than the group, sa solo career ko po, yung dream ko is more of nasa visual arts or acting.”

 

 

In fact napapakinabangan ni Justin ang kaalaman niya sa acting sa pamamagitan ng pagdidirek ng music video ng mga kanta nila, tulad ng latest song ng SB19 na “Moonlight.”

 

 

“Because of music, nagagawa ko yung acting, nagagawa ko yung visual arts which helps po,” ani Justin.

 

 

Nais rin ni Justin na magka-collab sa ibang artists bilang direktor o aktor.

 

 

“If makikipag-collab po ako sa mga artist, parang gusto ko na collaborate as a visual artist , magdirek ng music video nila, gumawa ng concept for them.”

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, si Justin ang direktor ng ng music video ng OPM band Cup of Joe na “Misteryoso.” Ito ang unang beses na humawak siya ng music video para sa ibang grupo bilang isang direktor.

 

 

Si Justin rin ang ang sumulat ng bago niyang kanta na “Kaibigan” at siya rin ang artista at creative director sa music video nito.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • DOH: ‘Bentahan ng COVID-19 vaccines’ iniimbestigahan na ng NBI

    Hihintayin na lang daw ng Department of Health (DOH) na matapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng umano’y bentahan ng COVID-19 vaccines.     Pahayag ito ng ahensya matapos maaresto ang isang nurse at dalawang indibidwal na sangkot umano sa pagbebenta ng 300 doses ng bakunang Sinovac.     “Iniimbestigihan […]

  • 6th edition ng ‘The EDDYS’ sa Oct. 22 na: Award-winning actor at filmmaker na si ERIC, magdidirek ng awards night

    PORMAL nang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang magaganap na 6th Entertainment Editors’ Choice o mas kilala na ‘The EDDYS’ ngayong taon.     Ang awards night ay magaganap sa Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si […]

  • Ads August 17, 2023