• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpasalamat sa mga nakukuhang suporta at pagmamahal: VICE GANDA, naging emosyonal sa pagbabahagi ng kanyang pinagdaanan

NAGING emosyonal ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda na kunsaan pinost ang mismong voice recording niya.

 

 

 

Na sa kabila pala ng tila masaya, mala-almost perfect na buhay niya at ng relasyon nila ni Ion Perez, may mga pinagdadaanan o pinagdaanan din ito nitong mga nakaraang buwan.

 

 

 

Aniya, “The past few months have not been easy. In fact, they’ve been really difficult. Ang daming nangyari sa buhay ko. May magagaan, may mabibigat. May mga masasaya, may mga malulungkot. May mga winning moments at may mga humbling moments.

 

 

 

“Sa mga pinagdadaanan ko, ilan lang dyan ang nakita niyo at talagang alam niyo. It was exhausting, really exhausting.”

 

 

 

Nagpasalamat si Vice dahil kahit daw may mga pinagdaanan siya, ang dami niyang nakukuhang suporta at pagmamahal, lalo na sa mga supporters niya.

 

 

 

Sabi pa rin niya, “Pero araw-araw, nakakatanggap ako ng sobra-sobrang pagmamahal at suporta mula sa inyo.

 

 

 

“And I know, napakarami sa inyo ang nagdadasal para sa kalusugan ko at sa kaligayahan ko. At ‘yun ang nagpapanumbalik ng sigla ko. Kaya araw-araw, anuman ang pinagdadaanan, excited ako laging gumising kasi sigurado ako, nandyan kayo at gigil na gigil ako laging pasayahin kayo.

 

 

 

“Kaya ngayon, bago ako matulong, I just want to say thank you very much and I love you Madlang People. Most especially to you, my Little Ponies.”

 

 

 

Dahil sa IG post na ito ni Vice, sunod-sunod naman ang mga nag-comment sa kanya at nagpa-abot ng kanilang suporta.

 

 

***

 

 

SIMULA na ng bagong journey ng Kapuso singer at isa sa mga Top 5 finalist sa first season ng “The Clash” na si Garrett Bolden.

 

 

 

Natupad ang isa sa pangarap daw ni Garrett na maging isa sa cast ng isa sa pinakasikat na musical play, ang Miss Saigon.

 

 

 

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Garrett na first day of work na niya. Meaning, unang araw na ng rehearsal niya para sa Miss Saigon, Guam.

 

 

 

Tatlong araw pa lang ang nakararaan nang lumipad si Garrett pa-Guam. At heto na nga, mae-experience na niya ang Miss Saigon.

 

 

 

Si Garrett ay mula sa Olongapo City na ang kuwento niya, wala raw talaga siyang formal schooling sa music. Pero ang talento niya sa pag-awit at pagsusulat ng kanta ay natutunan niya mula sa mga CD na binibili ng nanay niya at pinakikinggan niya.

 

 

***

 

 

SA kabila nang natupok ng apoy ang bahay ng singer na si Jaya sa U.S., at base sa caption niya at sa picture na ipinost niya, nasunog ang bahay nila ng buong-buo, nagpupuri at nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos.

 

 

Mas tiningnan ni Jaya ang positive side sa kabila ng nakalulungkot na pangyayari. Na safe pa rin silang buong pamilya.

 

 

Siguro para kay Jaya, bahay o mga materyal lang na ito na bagay at hindi matutumbasan kung may buhay na mawawala.

 

 

Sabi nga niya, “God is so good! Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but GOD IS GOOD!!!”

 

 

Marami na rin pagsubok na pinagdadaan si Jaya even before na mag-desisyon siya na sa U.S. na manirahan. Pero yun nga, inspiring din ang ipinapakita niyang katatagan.

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • DA, pinalakas ang pagsisikap kontra agri goods wastage

    PINAIGTING ng  Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito npara masiguro na mayroong  zero sa  minimal wastage para sa  agricultural commodities sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng DA na palalakasin nito ang ugnayan sa mga  industrial buyers para tulungan ang mga producers na maka-secure ng merkado para sa  kanilang produksyon.     […]

  • Premium rate ng PhilHealth sa 2023, mananatili sa 4%

    TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mananatili pa rin sa 4% ang kanilang premium rate na may income ­ceiling na P80,000 para sa CY 2023.     Ito ay bilang pagtalima na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin ang nakatakda sanang premium rate increase na mula 4.0% ay gagawin […]

  • Kinatuwaan ang pag-amin na six months nang may ‘LQ’: SHARON, magiging single sana uli kung ‘di pa sila nagkabati ni Sen. KIKO

    NATUWA ang mga netizens nang mismong kay Megastar Sharon Cuneta nagmula ang pag-amin na nagkaroon sila ng matagal na LQ or ‘lovers quarrel’ ni former Senator Francis Pangilinan na tumagal din ng ilang buwan.       Sunud-sunod na pag-amin ang ginawa ni Sharon sa kanyang Instagram account, matapos umamin na nagkabati na muli sila ng […]