• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpasalamat sa mga patuloy na nagdarasal: KRIS, nag-post ng Christmas message at nag-update sa health niya

KINATUWA tiyak ng mga nagmamahal kay Kris Aquino ang muling pagbabalik ni Kris sa social media.

 

 

Tiyempo pa namang Pasko nang mag-post muli si Kris sa kanyang IG account, isang buwan mula noong huli siyang naging aktibo sa kanyang IG account.

 

 

Update na may kinalaman sa post niya a month ago ang laman ng bagong post ni Kris, tulad ng dokumento mula sa U.S. Citizenship and Immigration Services ng United States Department of Homeland Security; na aabutin raw ng halos tatlong buwan bago pa maaprubahan ang extension ng pamamalagi nila nina Josh at Bimby sa Amerika.

 

 

Aabutin kasi ng halos sampung buwan bago makumpleto ni Kris ang sinimulan na sa kanyang immunotherapy treatment na ang gamot ay katulad ng sa chemotherapy pero mas mababa ang dosage.

 

 

Nakakatuwa pa na may lyrics ng kanta sa post ni Kris, ang ‘Sana Ngayong Pasko’ ni Ariel Rivera, na hindi raw nila iyon magiging theme song dahil happy vibes ang hatid kay Kris ng mga call center agent dito sa Pilipinas na nagdarasal at nagpapaabot ng positibong mensahe para sa kanila ni Bimby kapag nakakausap niya sa phone ang mga ito at nalalaman na siya si Kris Aquino.

 

 

Kaya nagpapasalamat si Kris sa mga ito.

 

 

Narito ang kabuuang post ni Kris…

 

 

“we’ve been here for more than 6 months. Atty Marlon (recommended to us by the 🇵🇭 consulate to be our immigration lawyer) filed the necessary paperwork so that we can extend our stay in the 🇺🇸 legally. A few days ago we did our biometrics scan…i was warned- you’ll need to wait 2-3 months to get the extension approval.

 

 

“Discussing my 4 diagnosed autoimmune ailments (2 are life threatening) and a highly likely 5th because of my distinct physical manifestations isn’t something i want to do on Christmas Eve- but i have to BECAUSE gusto kong mag THANK YOU sa inyong lahat who still keep me, my sons, and my sisters & their families back home in your prayers.

 

 

“A lot of times i’ve had to verify over the phone my identity & 80% of the time BPOs from back home handle the calls. It’s heartwarming to hear the agents who know the calls are being recorded be “Dedma” & say- “ma’am, my family always pray for you because we want you to regain your health…” others have said, “Ms Aquino, i hope your treatment is working & that you’ll be healed…”

 

 

“You all have your personal problems & heartaches BUT because of you, HINDI ito ang naging theme song namin nila kuya & bimb:

 

 

Pasko na naman, nguni’t wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo?
Bakit ba naman kailangang lumisan pa?
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka

 

 

Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko…

 

 

“We may be an ocean apart, BUT it matters so much to know that many of you who don’t even know me or my sons personally, care enough to remember us & want me to win this seemingly endless battle with my autoimmune conditions…

 

 

“May God bless your kind & compassionate hearts… my Christmas wish is makabawi ako sa ginagawa nyong mabuti para sa ‘kin ngayon-my 1st cycle of immunotherapy treatment (same medicine as chemo BUT at a much lower dose given over a longer period of time) will take about 10 months… for now idadaan ko na lang po ang pasasalamat ko sa mga pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan sa religious & medical communities. #christmas2022 #thankful”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Agad naman niyang sinunod at bumili ng sapatos: HEART, sinabihan ng ama ng ‘Be Happy’ at pinabili ng Christmas gift

    PAGKATAPOS na mag-post ni Kathryn Bernardo ng very emotional long letter para sa kanyang Lolo Sir, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez, sinagot ito ng actor sa kanyang Instagram account din.   Tinawag niyang pang-forever 5th apo na raw niya si Kathryn.   Sabi niya sa kanyang Instagram post, “Gracious Kathie! Anu b yan? […]

  • 350 sailors, marines nakiisa sa ‘ war fighting exercise’

    Nasa 350 Philippine Navy sailors at marines ang nakiisa sa war fighting exercise na kanilang tinawag na Exercise Pagbubuklod 2021 na isinagawa sa Marine Base Gregorio Lim, Ternate, Cavite.     Sa nasabing Joint Amphibious Operation on land and at sea nagpakitang gilas ang ilang mga bagong assets ng Philippine Navy at Marines.     […]

  • Cayetano sa Senado: Pa-epal lang kayo sa ABS-CBN franchise

    Sa isinagawang pagdinig ng Senado kahapon (Lunes) sa usapin ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na marami lang umano ang gustong pumapel o umepal.   Bagama’t wala namang direktang pinatamaan si Cayetano ngunit una na itong sinita si Senadora Grace Poe, chair ng public service committee ng Senado, […]