• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagsalita sa sobrang closeness nila ni Piolo… RON, pinapangarap na makasama rin sa movie si KATHRYN

ISA si Ron Angeles sa sumuporta sa Gala Premiere ng ‘Kono Basho’ noong August 6 na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay, na kung isa ito sa naging entry sa katatapos lang na ‘Cinemalaya XX’ na mula sa Project 8 Projects at Mentorque Production.

 

 

 

At sa naging tsikahan namin bago ang premiere ng movie nina Gabby Padilla na nanalong best actress at ka-tie nga si Marian Rivera para sa ‘Balota’, isa nga sa aming napag-usapan ang ang bonggang exposure niya sa ‘Pamilya Sagrado’.

 

 

 

At dahil tapos na ang taping ay nami-miss daw ni Ron ang kanilang bonding, na kung saan mas naging close siya sa mga beteranong artista, na palagi niyang nakaka-eksena.

 

 

 

Isa nga sa naging malapit na kaibigan ni Ron ay ang bida ng primetime series na si Piolo Pascual. At sa sobrang close nila ay parang palagi siyang binabanggit ni Papa P sa kanyang acceptance speech.

 

 

 

“Siguro ganun kami ka-close ni Kuya PJ at sobra kaming comfortable sa isa’t-isa. Kumbaga, itinuturing niya akong nakababatang kapatid. At bago mag-‘Pamilya Sagrado’ matagal na yun pinagsamahan namin dahil sa ‘Mallari’, lahat ng promos namin sa US, Thailand at Singapore,” kuwento niya.

 

 

 

Dagdag pa niya, “hindi ko rin alam, pero talagang mahilig mag-trip si Kuya P, minsan bigla na lang akong tatawagin ako at sisigaw, kaya parang sanay na sanay na ako.

 

 

 

“Hindi naman pambu-bully ‘yun, baka doon lang siya masaya. Minsan kasi, ganun ako, sinsigawan ko rin siya ng ‘Pascual!’”

 

 

 

Kaya noong nanalo si Papa P ng best actor sa 7th EDDYS last July 7 ay ilang ulit na binanggit ang name niya at kulang na lang ay paakyatin siya.

 

 

 

“Ang explanation naman niya sa akin, ‘tol magkasama tayo sa Mallari, wala naman sila, sino naman ang tatawagin ko.’ Sabi ko rin sa kanya alam ko naman yun, pero paulit-ulit naman kasi. Pero wala lang ‘yun, parang bonding na namin ‘yun.”

 

 

 

Ano naman ang natutunan niya or naging advice sa kanya ni Papa P?

 

 

 

“Marami siyang advices sa akin pagdating sa showbiz at kung paano ide-develop ang sarili mo. Kung ano raw talaga ang gusto, dapat 100% na ibigay ang sarili mo at making seryoso. Marami talaga akong natutunan sa kanya.

 

 

 

“Wish niya sa akin, sana tu­magal ka rin sa industry. Kung gaano raw siya katagal. Sabi ko, tingnan natin at malay naman natin.”

 

 

 

Dagdag pa ni Ron, “ang sabi ko pa nga sa kanya, nung na-nominate rin po ako sa parang New Movie Actor of the Year, nag-promise ako sa kanya sabi ko, ‘sige tol ‘pag nakakuha ako ng first award ko sa industry natin, ikaw una kong pasasalamatan.’

 

 

 

“Kaya ang nangyari siya po ‘yung ano… nauna na nagka-award. Sabi ko, ako naman sa mga susunod.”

 

 

 

This year, may bonggang project siyang gagawin pero hindi pa pwedeng banggitin kung ano ito at sino ang makakasama ng first talent ng Mentorque ni Bryan Dy, na kaka-celebrate lang ng 26th birthday nitong Lunes, August 12.

 

 

 

“Gusto ko pong i-consider na it’s an early birthday gift for me kasi birthday ko po ngayon, this August 12 po. So, hindi ko pa ma-spill out ang details ‘yung about dun sa gagawin namin pero sobrang excited po ako and I can’t believe nangyayari sa akin to. Kumbaga nagtitiwala lang din po ako sa management especially sa manager ko, kay Sir Bryan.

 

 

 

“And sabi niya naman, hindi naman daw niya ibibigay ‘yung mga ganung opportunity kung hindi ko raw po kaya pero to be honest sobrang kabado po ako. Pero sa line of work naman namin, kailangan flexible ka and kaya mong gawin lahat ng mga bagay para sa craft na ginagawa mo.”

 

 

 

Isa nga sa sinasabing next project niya at baka masama siya sa cast ng movie ni Vilma Santos-Recto.

 

 

 

Anyway pagdating sa wish or dream niyang makasama na aktres ay bongga rin ang binanggit niya.

 

 

 

“Siguro po kung mangangarap lang din ako tataasan ko na. Siyempre si Kath, Kathryn Bernardo po. Isa sa mga gusto kong maka-work soon. ‘Yun po ‘yung.. hindi naman sa dream ko pero nakita ko, ilang taon ko na po siyang napapanood.

 

 

 

“Kapag may film sila ni DJ (Daniel Padilla) pinapanood ko ‘yung connections nila, pa’no umarte. So sobra po akong naa-amaze sa kanila,” pagtatapos pa ni Ron.

 

 

 

Samantala tatlong awards pa ang nakuha ng ‘Kono Basho’ sa bukod sa Best Actress, Best Director, Jaime Pacena II, Best Cinematography: Dan Villegas and Best Production Design: Eero Francisco.

 

 

 

***

 

 

 

TATLONG Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) at ilang R-16 (Restricted 16) at R-18 (Restricted 18) na mga pelikula ang nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong linggo sa pahintulot ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

 

 

 

Ayon kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio, sa ilalim ng PG, maaaring manood ang mga edad labingtatlo (13) at pababa na kasama ang kanilang mga magulang o nakatatanda sa kanila.

 

 

 

Ang lokal na pelikulang “When the World Met Miss Probinsyana” ay may PG rating, sa takda nina MTRCB Board Members (BM) Jan Marini Alano, Racquel Maria Cruz, at Richard John Reynoso. Sinabi nila na ang pelikula ay naglalaman ng mga tema, eksena at aksyon na kakailanganin ang gabay ng magulang.

 

 

 

Ang Korean action movie na “Project Silence” ay nabigyan din ng PG rating nina Cruz, Reynoso, at Antonio Reyes. Sinabi nila na ang pelikula ay may marahas na paglalarawan at hindi pangkaraniwang mga salita na hindi angkop sa mga bata.

 

 

 

Ang pelikulang “Borderlands” mula sa Pioneer Films ay PG rin ayon kina BMs Cruz, Federico Moreno, at Lillian Ng Gui dahil ito’y naglalarawan ng ilang wika at eksena na kailangan ng gabay ng nakatatanda sa mga batang manunuod.

 

 

 

Samantala, nabigyan naman ng markang R-16 ang “It Ends With Us” mula sa Columbia Pictures Industries Inc. Ang R-16 ay para lamang sa mga edad 16 at pataas. Sinabi nina BMs Cruz, JoAnn Bañaga, at Wilma Galvante na ang materyal ay may grapikong paglalarawan ng karahasan at ilang sekswal na mga eksena.

 

 

 

Ang “Unang Tikim” ng Viva Communications, Inc., ay nabigyan ng R-16 at R-18. Ang R-18 ay para lamang sa mga edad 18 at pataas. Ayon kina BMs Gui, Juan Revilla, at Antonio Reyes, ang pelikula ay may mga sekswal na eksena na hindi akma sa mga menor-de-edad.

 

 

 

Sa R-16 namang “Unang Tikim,” sinabi nina BMs Galvante, Moreno, at Jerry Talavera na may grapikong eksenang sekswal ang pelikula, paglantad ng mga maselang parte ng katawan at mga salitang hindi angkop sa mga batang edad 15 at pababa.

 

 

 

Pinaalalahanan ni Chair Sotto-Antonio ang mga manonood na ang MTRCB Ratings system ay nagsisilbing gabay ng publiko tungo sa responsableng panunuod. Sinabi niyang sa pamamagitan ng pagpapalakas ng media literacy at responsableng panunuod, magiging matalino ang publiko sa pagsusuri ng mga angkop na pelikula para sa kanilang pamilya tungo sa isang makabuluhang Bagong Pilipinas.

 

Other News
  • ALDEN, hesitant noong una pero nagustuhan ang kakaibang role sa bagong teleserye; sisimulan na ang movie pagbalik ni BEA

    PAALIS na pala si new Kapuso actress Bea Alonzo para magbakasyon ng ilang araw sa USA.      Gusto raw munang mag-recharge ni Bea, dahil pagbalik niya sa bansa ay sisimulan na niya ang shooting ng movie nila ni Alden Richards na Pinoy adaption ng Korean film, ang A Moment To Remember, na co-production venture […]

  • Pasasalamat ni Marcos Jr., hindi na makapaghintay

    SINABI ni Presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos Jr., Lunes ng gabi, Mayo 9, na hindi na makapaghintay ang kanyang pasasalamat sa taumbayan sa kabila ng batid niyang hindi pa kumpleto ang bilangan ng boto.     Nagbigay ng kanyang pahayag si Marcos matapos na patuloy siyang manguna sa partial at unofficial tallies ng […]

  • DOH, itinuturing na isang magandang development sakaling makamit ng mas maaga ang target na 70M fullly vaccinated individuals

    KUMBINSIDO ang Department of Health (DOH) na makakamit ng bansa ang 70 million fully vaccinated individuals bago pa matapos ang unang quarter ng taon.     Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Usec. Myrna Cabotaje na “as of January 29, 2022,” pumalo na sa 60 million ang nabigyan ng first dose at 58.6 million […]