ALDEN, hesitant noong una pero nagustuhan ang kakaibang role sa bagong teleserye; sisimulan na ang movie pagbalik ni BEA
- Published on July 5, 2021
- by @peoplesbalita
PAALIS na pala si new Kapuso actress Bea Alonzo para magbakasyon ng ilang araw sa USA.
Gusto raw munang mag-recharge ni Bea, dahil pagbalik niya sa bansa ay sisimulan na niya ang shooting ng movie nila ni Alden Richards na Pinoy adaption ng Korean film, ang A Moment To Remember, na co-production venture ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.
After ng movie, isusunod na ni Bea ang isang GMA primetime teleserye. Ayon kay Bea, ready na ito, may leading man na siya at may casting na rin.
Kaya lamang kahit anong pilit kay Bea kung ano ang title ng teleserye, ang leading man niya at bubuo sa cast hindi pa niya pwedeng sabihin.
Sinabi na raw sa kanya ng GMA magkakaroon sila ng announcement sa pamamagitan ng isang media conference.
Nasa Los Angeles, California ngayon ang manager ni Bea, kaya malamang magkita sila roon at baka sabay na silang bumalik ng Pilipinas.
***
MAY pagka-gray ang character na gagampanan ni Alden Richards sa bago niyang teleserye sa GMA Network, ang The World Between Us, kaya medyo hesitant siya nang unang ikinuwento sa kanya ang magiging role niya.
Pero nang mabasa na niya ang script at nagkaroon na sila ng script reading, hindi na nagbago ang isip niya dahil matagal na niyang gustong makagawa naman ng project sa TV na hindi laging good boy ang character niya.
Ang nagawa pa lamang niyang iba ang character niya ay sa movie niyang The Road for GMA Films in 2011.
Sa TWBU, siya ay si Louie Asuncion, an intelligent orphan who will work his way up to prove that he can give the world to the woman he loves.
Ngayong gabi na ang world premiere ng seryeng dinidirek ni Dominic Zapata, kaya naman may pa-watch and win si Alden sa mga televiewers.
Wala silang gagawin kundi mag-selfie habang nanonood ng serye na nakikita sa TV ang ipinalalabas na first episode, at i-post ito sa inyong Twitter account with hashtag #TheWorldBetweenUs.
Three lucky winners will receive iPhone 12 Promax and one winner of LG OLED 55 inch. Alden will pick the names of the lucky winners na ipu-post niya sa kanyang social media accounts.
***
SUNDIN kaya ng GMA Network ang wish ng mga netizens na magkaroon ng Book 2 ang katatapos na romantic family series na First Yaya?
Marami agad nag-tweet nang matapos na ang episode na sana raw ay isunod kaagad pagkatapos ng The World Between Us na papalit na sa kanila simula ngayong, ang book 2 ng successful tv series.
Kaya napansin agad ng mga viewers sa last scene na supposedly ay honeymoon nila sa Maldiviano Ponte na nagkita na pala si President Glenn Acosta at ang domestic helper na si Melody, doon din sa lugar na iyon nang mawala niya ang favorite niyang fairy tale book na “The Dragon and the Princess” na si Glenn ang nakapulot at naisoli sa kanyang address doon.
At sa huling eksena nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, nag-iwan ang show ng “Sa Muling Pagkikita…..”
(NORA V. CALDERON)
-
9 indibidwal, kulong sa sugal, droga at baril sa Valenzuela
SA loob na ng kulungan sasalubungin ang Bagong Taon ng siyam katao, kabilang ang isang ginang matapos maaresto ng pulisya sa ilegal na sugal, droga at baril sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Sa ulat ni PMSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, alas-8:15 ng gabi nang maaresto ng mga […]
-
ARAL Law, mapahuhusay ang PISA performance ng mga estudyanteng Pinoy-Angara
KUMPIYANSA si Education Secretary Sonny Angara na mapahuhusay ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law ang performance ng mga estudyanteng pinoy sa international assessments, gaya ng Program for International Student Assessment (PISA), sa ‘long term.’ Gayunman, Inamin ni Angara na ang agarang resulta ay hindi kaagad makikita sa panahon ng susunod na […]
-
DINGDONG, ‘di pa rin makapaniwala na kaybilis ng panahon at two years old na si SIXTO
MAY throwback post si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kasama ang kanyang bunsong anak na si Jose Sixto Dantes IV, na nagsi-celebrate today, April 16 nang ikalawa niyang kaarawan. Sa IG post ni Dingdong noong April 14, ibinahagi nga niya ang larawan nilang mag-ama na kuha noong nakaraang taon. May caption […]