• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagsampa na ng kaso para sa attempted rape: Host ng ‘It’s Showtime’ na si CIANNE, na-trauma dahil sa pangha-harass ng isang macho dancer

NA-TRAUMA ang ‘It’s Showtime’ host na si Cianne Dominguez dahil sa ginawang pangha-harass sa kanya ng isang gay bar dancer na ang pangalan ay Ronnie Gray.

 

 

Ayon kay Cianne, sinundan daw siya ni Ronnie sa kanyang condo building noong April 11 at doon ay tinangkang halayin siya nito. Mabuti na lang daw at alerto ang pag-iisip ni Cianne at nagawa niyang labanan ang suspect. Bigla raw kumaripas ng takbo si Ronnie na nakunan pa ni Cianne ng video habang minumura niya ito.

 

 

Kuwento ng ama ni Cianne: “The suspect followed my daughter to her condo, forcibly preventing the door to be closed and held her waist, forcing to kiss her. Good thing that my daughter is strong enough to escape. The suspect ran afterwards.”

 

 

Nahuli agad si Ronnie ng security ng condo building at naka-detain ito ngayon sa Quezon City Police District at sinampahan ng kasong Violence Against Women and Children (VAWC) at trespassing.

 

 

Pinost pa ng kaibigan ni Cianne na si Lance Escobar sa X (formerly Twitter) ang photo ni Ronnie at sinabing hindi raw ito nagpakita ng pagsisisi sa tangka nitong paghahalay.

 

 

“Walang karemorse-remorse. Ngumingiti pa habang ini-interrogate. Ayaw pang mag-sorry. Nakakakulo ng dugo. Mabulok sana sa kulungan ‘tong hayop na ‘to,” caption ni Lance.

 

 

***

 

 

MAGANDANG 18th birthday gift para sa Sparkle Teen Star na si Sofia Pablo ang pagbida nito sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Prinsesa Ng City Jail.’

 

 

Kasama rito ni Sofia ay ang ka-loveteam na si Allen Ansay at ang original ka-loveteam niya noon sa ‘Prima Donnas’ na si Will Ashley.

 

 

Challenging para sa tatlong Kapuso teen stars ang nasabing serye dahil kukunan ang ilang eksena sa loob mismo ng isang city jail na bihira mangyari sa ibang serye.

 

 

“Excited ako na ma-experience ‘yung parang mag-taping sa loob ng kulungan kasi it’s something new and hindi kasi lahat ng show na-e-experience ‘yun,” sey ni Sofia who turned 18 last April 10.

 

 

Kinakabahan naman si Allen dahil gaganap siya bilang inmate sa serye. Kaya nagpalaki ng katawan ito para bumagay siya sa role niya bilang si Xavier.

 

 

***

 

 

MIYEMBRO na ng LGBTQIA+ community ang pangalawang anak nila Ben Affleck at Jennifer Garner na si Seraphina Rose o mas kilala na sa bagong name nito na Fin.

 

 

Nag-identify bilang “transgender” si Fin at ginawa niyang isapubliko ang kanyang identity sa memorial service ng kanyang pumanaw na grandfather na ama ni Jennifer.

 

 

Nagpa-buzzcut at black tuxedo ang suot ng 15-year old na si Fin sa naturang memorial service.

 

 

Ang dalawa pang kapatid ni Fin ay sina Violet Anne (19) at Samuel Garner (12).

 

 

Hindi nagpa-interview ang ex-couple na sina Ben and Jen tungkol sa pagiging transgender ni Fin. Paraan daw nila ito para maprotektahan ang privacy ng kanilang mga anak.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • “The melody that fills my heart with joy…” MARIAN, pinaiyak ni DINGDONG sa sweet birthday message

    PINAIYAK pala ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang wife niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng beautiful words ng kanyang pagbati nang mag-celebrate ng 39th birthday ang aktres last Saturday, August 12.      Sa pamamagitan ng Instagram Reel pinakita ang sweet moments nila mula sa kanilang wedding, sa GMA Gala, their travels at […]

  • South Commuter Railway Project, makalilikha ng 3,000 job opportunity

    SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinatayang may 3,000 job opportunity ang aasahan sa pagsisimula ng  South Commuter Railway Project (SCRP) sa  North-South Commuter Railway (NSCR) System.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa  isinagawang contract signing ng SCRP  ng NSCR System for the Contract Packages S-01, S-03A at S-03C sa Palasyo […]

  • Bilang ng mga walang trabaho sa bansa nabawasan – PSA

    NAKABALIK na sa pre-pandemic level ang bilang ng walang trabaho sa bansa.     Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) na nitong Oktubre ay umabot na sa 4.5 percent ang bilang ng mga walang trabaho ito na ang pinakamababang level sa loob ng 17 taon.     Mas mababa pa ito ng limang porsyento noong […]