• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagsisisi na ibinoto nila kaya ito nag-number one: Sen. ROBIN, binatikos ng BBM fanatics dahil ‘di sinama sa mga pinasalamatan

SANA kasing ingay nang pagbabalik sa sinehan ng Jurassic World Dominion ang maging kapalaran ng upcoming local movie na Ngayon Kaya na bida sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

 

 

Sana kung gaano ka-excited ang audience na panoorin ang Hollywood flick tungkol sa dinosaurs ay ganoon din ka-excited ang mga Pinoy na panoorin ang pelikulang gawa ng Pilipino para sa Pilipino.

 

 

Maganda ang Ngayon Kaya, ang love story na dinirek ni Prime Cruz at isinulat ni Jen Chuanunsu.

 

 

Janine is playing the rich girl AM while Paulo plays the not-so-rich boy Harold kaya kahjt they have feelings for each other ay hindi nila nagawang maging sila even if they were close buddies during college.

 

 

Mas priority ni Paulo na makatapos ng pag-aaral para makapunta ng Canada to work while si Janine naman has all the time para pagbigyan dream niya na kumanta.

 

 

Years later, nagkita silang dalawa sa wedding ng kanilang kaibigan.

 

 

May nag-spark na “what if” hindi itinuloy ni Harold ang pagpunta ng Canada at nag-decide to stay with AM? Naging sila kaya?

 

 

One thing na kapuri-puri sa pelikula ay ang mahusay na acting ng dalawang bida. Eksakto sina Paulo at Janine for their respective roles na para bang the writer had them in mind while writing the script.

 

 

Maraming makaka-relate sa kwento ng Ngayon Kaya dahil tiyak na may ganitong pangyayari sa buhay ninyo sometime in the past.

 

 

Kaya mag-ipon na nang pampanood ng sine at wag palampasin ang unang romcom movie na ipalalabas sa sinehan after two years. Iba pa rin manood ng movie sa sinehan.

 

 

***

 

 

SABI ni Direk Darryl Yap, hindi raw dapat na sineryoso ng mga tao ang parody na ginawa niya kung saan pinag-portray niya si Ai Ai delas Alas ng karakter named ‘Ligaya Delmonte’ dahil spoof naman daw ito at hindi totoo.

 

 

Pero kung sa tingin ng mga tao ay may bahid nang paninira ang parody na kanyang ginawa, wala bang karapatan ang mga tao to voice out their objection?

 

 

May freedom of expression tayo pero hindi naman dapat gamitin ang freedom na ito para manira. Freedom of speech also tells us to be responsible.

 

 

Dapat handa tayong tanggapin na hindi sa lahat ng oras ay pwede natin gamiting excuse ang freedom of expression to malign other people. Freedom of speech is not absolute. It should still be exercised within the context of certain laws or regulations.

 

 

Dapat iniisip din natin ang repercussion ng ating sinasabi. Freedom of speech and expression does not mean you are free of said consequences of your actions.

 

 

May nabasa pa kami na post ni Direk Darryl saying something like kung ‘yung Official Seal of Quezon City daw ang nagawan nila ng pagkakamali, pag sinabi raw na mag-apologize siya ay gagawin niya.

 

 

Hindi ba alam ni Direk Darryl to say sorry kung siya ay mali? Well, siguro nga sa tingin niya ay hindi siya mali in doing that video kaya cool lang siya at full of sarcasm ang reaction

 

 

***

 

 

BINATIKOS si Senador Robin Padilla ng mga BBM fanatics dahil hindi nito isinama sa mga pinasalamatan niya sa kanyang pagkapanalo si president-elect Bongbong Marcos.

 

 

Sagot ni Robin sa bumatikos sa kanya, ‘di naman siya talaga inendorso ng incoming president.

 

 

Hindi ba naging issue pa nga kung kasali siya sa line-up ng UniTeam? Kasi kahit nasa rally si Robin ng UniTeam eh hindi naman siya kasama sa nagsasalita sa main program.

 

 

Sinabi rin ni Robin na maging siya ay nagtataka kung bakit ‘di nga siya inendorso ni BBM eh kaibigan pa naman niya ito.

 

 

Sabi naman ng mga BMM supporters, dahil kay BBM kaya nila ibinoto si Robin bilang senador kaya ito nag-number one. Hindi raw nila akalain na ingrato pala ang action star.

 

 

Sana raw ay hindi na lang nila ito ibinoto. Hindi pa raw nakakaupo si Robin as senador ay lumabas na agad ang tunay na kulay nito.

 

 

Bukas ang aming kolum sa ano pang magiging pahayag ni Robin sa isyung ito.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Nievarez pasok sa Tokyo Olympics

    Si national rower Cris Nievarez ang pang-walong Pinoy athlete na sasabak sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.     Ito ay matapos ilabas ng World Rowing Federation (WRF) ang final list ng mga qualified rowers para sa 2021 Tokyo Olympics kung saan nakasama ang pangalan ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist. […]

  • Ads November 25, 2020

  • Ads December 21, 2021