• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagtala na naman ng history: SB19, first Pinoy group na na-feature sa Japanese YT channel na ‘The First Take’

NAGTALA na naman ng history ang SB19.

 

 

 

 

Sila ang kauna-unahang Pilipino na itinampok sa Japanese Youtube channel na The First Take na nagpapalabas ng mga artists na kakanta ng live na isang take lamang, walang cut, walang take 2 ang performance.

 

 

 

 

Napapanood ang almost perfect na pag-awit nina Ken, Justin, Josh, Pablo, at Stell ng kanilang hit single na ”Gento” nitong July 1 alas nuwebe ng gabi, Philippine time, 10 pm Japan time.

 

 

 

 

Sa The First Take, na may mahigit 9.79 million subscribers sa YouTube ay nakapag-guest na sina Avril Lavigne, Harry Styles, Loren Allred; ang South Korean boy band Stary Kids, at ang RIIZE, ang BTS member na si V, ang K-pop girl groups na ITZY at ang (G)I-DLE.

 

 

 

 

***

 

 

 

 

REBELASYON ni Bea Alonzo, nakaka-drain ang ‘Widows’ War.’

 

 

 

 

Lahad niya, “Sa totoo lang, itong project na ito hindi lang siya emotionally draining sa mga artista, physically draining din siya,” at natawa si Bea.

 

 

 

 

“Unang-una kung mapapansin niyo sa AVP kanina, ang gaganda ng mga locations, di ba?

 

 

 

 

“Talagang sinasadya namin yung mga locations namin; Bataan, La Union, Batangas.

 

 

 

 

“Talagang mine-make sure ni direk na physically, visually enticing din siya.

 

 

 

 

“So, siyempre mahirap din naming puntahan ang mga lugar na ito just to make sure na maganda siyang lalabas based dun sa script.

 

 

 

 

“Kung paano nila na-imagine we can only hope na ganun din siya lalabas sa screen, di ba?

 

 

 

 

“Yes, it’s very intense siguro hindi lang onscreen, but I have to say it’s also very intense for us.

 

 

 

 

“It’s very draining but hindi kami nagrereklamo kasi pag nakikita namin yung produkto nung ginagawa namin, ako very, very happy ako,” ang nakangiting pahayag pa ni Bea.

 

 

 

Samantala, winner ang pilot episode ng ‘Widows War’ dahil tinutukan ito at nakapagtala ng 8.9 % at kinabog ang ‘Pamilya Sagrado’ nina Piolo Pascual na pumalo naman sa 6.7 % na rating.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • DepEd bumili ng P2.4 bilyong halaga ng ‘pricey, outdated’ laptops para sa mga guro noong 2021

    BUMILI ang Department of Education (DepEd) ng  P2.4 bilyong halaga ng  “outdated at  pricey laptops” para sa mga guro para sa implementasyon ng  distance learning sa gitna ng  COVID-19 pandemic.     Sa  annual audit report ng Commission on Audit (COA) para sa 2021, napuna ng komisyon ang ginawang pagbili ng DepEd ng P2.4 bilyong […]

  • Super fan kaya ‘di pinalampas ang concert: CATRIONA, inaming best night ang naging ‘reunion’ nila ni NEYO

    MAY argumento sa lumabas na recent photo nina McCoy de Leon at Elisse Joson.        Pagkatapos kasi na lumabas ang mga statement ni McCoy insinuating na hindi sila okay ni Elisse o hiwalay na sila     Absent si McCoy sa nakaraang mga birthday celebration ni Elisse. May interview rin na lumabas sa tatay […]

  • British boxer Amir Khan, interesadong makalaban si Dela Hoya

    Nagpahapyaw si British boxer Amir Khan sa ambisyon niya na makaharap din si retired boxing legend Oscar Dela Hoya.   Sa pamamagitan ng kaniyang social media, nag-post ito ng larawan na kasama ang dating Mexican champion.   OSCAR DELA HOYA   Sinabi nito na interesadong bumalik sa boxing si Dela Hoya at interesado rin siyang […]