MARAMING pasabog ang Kapuso aktres sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday. 

Dere-deretsong ikinuwento ni Sheryl Cruz ang mga aktor na naging karelasyon niya. 

Naka-relasyon niya sina Aga Muhlach, Mandy Ochoa, Zoren Legaspi at Anjo Yllana. 

“Actually I call him Ariel (real name ni Aga) during the time that we were together.

“Si Zoren first before Mandy and then Aga,” pagbabahagi pa ni Sheryl. 

“Mandy became my boyfriend because first Bench model, di ba? Wow, model, ganyan-ganyan.”

Kasabay ding isiniwalat ni Sheryl ang tampo niya noon kay Anjo.

“Actually, nagtampo ako sa kanya noon because he asked for my hand in marriage that time, before I left for the States and decided to actually try it there…

“He asked for my hand in marriage and I said yes. And then I found out na he got somebody pregnant. So, kahit papaano, you broke my heart.

“But it’s already water under the bridge. We’re good friends.” Lahad pa ni Sheryl. 

Ibinulgar din ni Sheryl na naging sila ulit ni Anjo nang bumalik siya sa Pilipinas matapos nilang maghiwalay ng asawang si Norman Bustos. 

Kumbaga, ipinagpatuloy daw nila ni Anjo ang naudlot nilang pagmamahalan. 

Pero that time daw ay hiwalay na rin noon si Anjo sa asawa niyang si Jacqui Manzano.

Hindi rin naman daw nagtagal ang relasyon nila at nagkahiwalay rin kalaunan sina Sheryl at Anjo.

Saad ni Sheryl, “And it’s actually amazing because by time I went back here, sa Philippines, I myself got separated and divorced.”

Samantala, hindi nabanggit ni Sheryl sina Rominick Sarmenta at Dennis Da Silva sa mga naging karelasyon niya. 

Nakalimutan kaya niya o talagang purely pang loveteam ang relasyon niya sa dalawa, huh! 

***

PARA kay Gary Estrada ay hindi hamak na mas matindi at mas marumi raw ang mundo ng politika kung ikukumpara sa showbiz.

Matandaang isa si Gary sa mga artistang nag ambisyon na maging isang showbiz politician.

Naging provincial board member noon at tumakbo ring vice mayor. Pero mas maraming beses natalo si Gary kaysa manalo, huh! 

Ayon kay Gary, mas grabe raw ang intriga sa politika, talagang hindi mo kakayanin kung mahina-hina ang loob mo at wala talaga sa puso mo ang paglilingkod sa mga tao.

“Ang pagkakaiba nila kung ito lang ang intriga sa pag-aartista, doon sa politika babaliktad talaga ang sikmura mo. Ganu’n siya kadumi,” sey pa ni Gary. 

“At the end of the day, kahit anong gawing mong maganda, meron at meron…kulang pa rin.”

At agad namang nilinaw ng Kapuso actor na hindi iyon ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang kalimutan na ang daigdig ng pulitika. 

“No. I guest it’s not the right time,” dagdag pa Gary. 

Kung babalikan pa niya ito ay wala pa siyang sagot.

Sa ngayon, happy naman daw si Gary sa piling ng kanyang asawang si Bernadette at tatlong anak na sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina.
(JIMI C. ESCALA)