• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAGTAPON NG GRANADA, INIIMBESTIGAHAN NG MPD

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) kung sino ang nasa likod ng pagtatapon ng isang puting paper bag na may lamang granada at anim (6) na bala ng di pa batid na kalibre ng baril sa Moriones Lunes ng hapon.

 

 

Isa umanong hindi nakilalang indibidwal ang nagtapon nito sa gitna ng kalsada kaya naman inaalam na rin ng MPD-Station 2 ang mga CCTV sa lugar upang matukoy kung sino ang responsable sa insidente.

 

 

Sa ulat ng MPD-PS 2 sa pamumuno ni  P/Lt.Col Magno Galora Jr, isang concerned citizen ang lumapit sa mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit o TMRU na umiikot sa lugar at ipinagbigay alam ang nakitang puting paper bag na may lamang granada at mga bala sa island ng kahabaan ng Moriones, Tondo.

 

 

 

Agad naman itong binirepika at kinordon ang lugar kung saan positibo ang impormasyon at narekober nga ang nasabing pampasabog at bala. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Domestic flights sa GCQ areas, pinahintulutan ng IATF

    Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang domestic flights sa mga lugar na sa ilalim ng general community quarantine, ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade.   Bagama’t naglabas na aniya ng kasulatan at kautusan si National Task Force against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez patungkol dito, […]

  • Ryan Reynolds Reveals: Madonna Gave A “Great Note” That Made ‘Deadpool & Wolverine’ Scene “Better”

    AFTER contacting the Queen of Pop for permission to use her 1989 single ‘Like a Prayer’ in Deadpool & Wolverine, Ryan Reynolds revealed she “gave a great note” for the sequence that quickly ended up in the final cut.         “Also, let’s preface it with the fact that — Madonna doesn’t just […]

  • Kinumpirma ng may-ari ng TV5: TVJ at Dabarkads, opisyal na ang paglipat sa Kapatid Network

    OPISYAL na nga ang paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ng iba pang original hosts ng “Eat Bulaga” sa bago nila tahanan, ang TV5.     Kinumpirma ito ng MediaQuest President and CEO na si Jane Basas kahapon, Miyerkules, June 7 sa pamamagitan ng isang official statement.     Kaya […]