NAGTAPON NG GRANADA, INIIMBESTIGAHAN NG MPD
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) kung sino ang nasa likod ng pagtatapon ng isang puting paper bag na may lamang granada at anim (6) na bala ng di pa batid na kalibre ng baril sa Moriones Lunes ng hapon.
Isa umanongĀ hindi nakilalang indibidwal ang nagtapon nito sa gitna ng kalsada kaya naman inaalam na rin ng MPD-Station 2 ang mga CCTV sa lugar upang matukoy kung sino ang responsable sa insidente.
Sa ulat ng MPD-PS 2 sa pamumuno niĀ P/Lt.Col Magno Galora Jr, isang concerned citizen ang lumapit sa mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit o TMRU na umiikot sa lugar at ipinagbigay alam ang nakitang puting paper bag na may lamang granada at mga bala sa island ng kahabaan ng Moriones, Tondo.
Agad naman itong binirepika at kinordon ang lugar kung saan positibo ang impormasyon at narekober nga ang nasabing pampasabog at bala. (GENE ADSUARA)
-
Jobless rate nitong Setyembre 2022, bumaba kasabay ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong may trabaho
NAKAPAGTALA ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ang Philippine Statistics Authority (PSA) nitong buwan ng Setyembre, ngunit kasabay nito ay nagkaroon din ng pagbaba ang bilang ng mga indibidwal na mayroong trabaho sa bansa batay sa preliminary result ng kanilang isinagawang Labor Force Survey. Sa ulat ni PSA chief at […]
-
Djokovic umatras na sa paglahok sa ATP Cup
Umatras na si tennis star Novak Djokovic sa pagsali sa 2022 ATP Cup sa Sydney. Kinumpirma ito ng organizer ng nasabing torneo kung saan ang Team Serbia ngayon ay pangungunahan na ni world number 33 Dusan Lajovic. Maraming tennis fans naman ang nanghinala sa vaccination status ng 34-anyos na Serbian tennis […]
-
Jeepney drivers nagbabala na hihinto ng operasyon
NAGBIGAY ng babala ang mga jeepney drivers na sila ay hihinto sa kanilang operasyon ngayon linggo upang iprotesta ang tumataas na presyo ng krudo at iba pang produktong gasolina. Ayon sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston) na ang mga miyembre na kasama sa kanilang asosasyon ay umaangal […]