Nagtapos na summa cum laude sa Psychology course: SHERYL, emosyonal na ipinagmalaki ang anak na si ASHLEY
- Published on May 19, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAGMALAKI ni Kapuso actress Sheryl Cruz sa kanyang Instagram post, ang pagtatapos ng anak niyang si Ashley Bustos.
Nagtapos ito na summa cum laude sa Psychology course nito sa San Francisco State University this May. IG caption ni Sheryl: #BestMother’sDayGiftI’veEverHad #LearningthatAshleyisgraduatingSummaCumLaudethisMay2023,#SoProud&BlessedtohaveYouAnak.”
Naging emosyonal si Sheryl na hindi makapaniwalang napagtapos ang anak at with top honors pa. Nag-sorry pa si Sheryl sa anak dahil magkahiwalay silang mag-ina since narito naman sa bansa ang trabaho niya.
Kaya para makabawi sa anak, ilang araw pa before Ashley’s graduation, pumunta na siya ng Amerika, dahil nagkataong birthday din ng anak sa mismong graduation nito.
“I’m very excited for her and I’m very proud of her because efforts niya lahat ito,” dagdag pa ni Sheryl. “Kalahati lamang ako na nagbigay ng shares kung anuman ang meron siya ngayon at kalahati naman ay mula sa family ng tatay niya. Kaya I’m very grateful kasi kahit na malayo kami sa isa’t isa, hindi nasayang yung effort.”
Hindi rin magtatagal sa San Francisco si Sheryl dahil kasalukuyan siyang nagti-taping ng bagong afternoon GMA Afternoon Prime series na “Lilet Matias: Attorney-at-Law” na pinangungunahan ni Jo Berry.
***
TOTOHANAN na at wala nang paglilihim si Rayver Cruz sa totoong relasyon nila ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, nang mag-celebrate ito ng kanyang 29th birthday.
Instagram post ni Rayver: “On this day, the love of my life was born. Thank you for the infinite magic we share every single day. Know that I’ll always be by your side every step of the way,through everything.
“May you continue to be a blessing not just to me, but to everyone. Happy Happy Birthday my love. Super proud of you always! I love you!!!
Sumagot din naman agad si Julie ng “Aww you’re the best! Thank you my love, I love you.”
Sunud-sunod din namang bumati kay Julie ang mga Kapuso stars na sina Sanya Lopez, EA Guzman, Jak Roberto, Carla Abellana, Shaira Diaz, Gardo Versoza, at siyempre pa ang future bayaw na si Rodjun Cruz: Awww! Wohoo!!! Happy birthday Julie. We love you @myjaps. God bless you always.
Very soon ay mapapanood na ang bagong teleserye na first time pagtatambalan nina Julie Anne at Rayver, ang “The Cheating Game” for GMA Public Affairs. Visit www.gmanews.tv for more updates on #JulieVer and The Cheating Game!
***
AYAW munang tumanggap ng mga heavy acting projects si Maja Salvador ngayong naghahanda siya para sa coming July wedding nila ng non-showbiz fiancé niyang si Rambo Nunez.
Topmost priority at the moment ni Maja at part ng kanyang preparation was to look her best on her special day.
Kaya light shows lamang ang ginagawa ngayon ni Maja tulad ng game show na “Emojination” para sa TV5 at nagsimula na rin siyang mag-taping with the cast of “Open 24/7” headed by Bossing Vic Sotto.
Ang laughter-filled brand new sitcom will begin on Saturday, May 27 sa GMA-7. Papalitan nila ang “Daddy’s Gurl” nina Bossing Vic at Maine Mendoza na finale episode na this Saturday, May 20, pagkatapos ng “Magpakailanman” ni Mel Tiangco.
(NORA V. CALDERON)
-
PAGTAAS NG KASO NG COVID-19, HINDI SECOND WAVE SA PINAS
HINDI pa rin maituturing na ‘second wave’ ang nararanasang panibagong pagtaas ng kaso ng Covid-19 ngayon dahil hindi pa tuluyang napababa ang kaso o na-flatten ang curve, ayon sa World Health Organization (WHO). Sa virtual Kapihan session ng Department of Health (DOH) sinabi ito ni WHO Philippine representative Dr Rabindra Abeyasinghe kung saan […]
-
Dahil sa pag-viral sa sinagot sa ‘Family Feud’: MAVY, hindi pikon at sinakyan na lang ang pagkakamali
NILINAW ni Buboy Villar ang tungkol sa closeness nila ni Jelai Andres na inaakala ng marami na may malalim na silang relasyon. Malapit lang daw talaga si Buboy sa mga babae na tinuturing niyang katropa dahil magkasama sila sa trabaho tulad rin nila Faith da Silva sa ‘All Out Sunday’ at Lexi Gonzales sa ‘Running […]
-
AKAP budget, ilalaban ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez
NANGAKO si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ilalaban ng Kamara ang paglalaan ng pondo sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 2025 budget. Mahigit sa apat na milyong “near poor” Pilipino sa buong bansa ang apektado nito. “AKAP is not just a safety […]