NAHULING LOCKDOWN VIOLATORS SA NAVOTAS, 3,071 NA
- Published on July 23, 2020
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa 3,071 ang naaresto ng mga awtoridad na mga lumabag sa patakaran simula ng umairal ang ipinapatupad na lockdown sa Navotas city, hanggang 5pm ng July 21.
Sa ulat ng Navotas Police, sa bilang na ito ay 2910 ang nasa hustong gulang at 161 naman ang menor-de-edad.
Ayo naman kay Mayor Toby Tiangco, kailangan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga safety measures para manatiling ligtas ang lahat sa COVID-19.
“Gusto po nating maproteksyunan ang bawat pamilya. Hindi natin maitataguyod ang kanilang pangangailangan kung tayo mismo ang magkakasakit. Kaya mahirap man at hindi po tayo komportable, sundin natin ang mga patakaran dahil ito ay para sa ikabubuti nating lahat”, pahayag ni Tiangco.
Samantala, inihayag din ni Tiangco na 46 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang 52 naman ang gumaling at masaya ng kapiling ang kanilang pamilya, ngunit mayroon ding aniyang 3 na hindi pinalad at binawian na ng buhay.
Hanggang 10pm ng July 21, ang lungsod ay may 1,282 kompirmadong kaso ng Covid-19, 625 ang active cases, 577 ang mga guling at 80 ang nasawi.
Ayon aniya sa Department of Health, by cluster o kumpulan ang nagiging hawahan ng COVID-19 sa bansa. Ang number 1 sa ganitong klase ng hawahan o transmission ng virus ay sa pagitan ng magkakapitbahay. (Richard Mesa)
-
Lalaking wanted sa rape sa Ormoc, natimbog sa Caloocan
NAGWAKAS na ang 11-taon pagtatago ng isang lalaking akusado sa panggagahasa sa isang 16-anyos na kanyang kapitbahay sa Ormoc City matapos siyang masakote ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa Caloocan City. Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang akusadong si Melvin Jumao-as, 30, tubong Leyte at residente ng Purok 6, […]
-
10-day national mourning sa buong bansa idineklara ni PBBM dahil sa pagpanaw ni FVR
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang 10 araw na national day or mourning bilang pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Dahil dito ilalagay ang bandila sa half-mast sa lahat ng mga buildings kasama ang mga installations ng bansa sa ibang bansa. Batay naman ito sa Proclamation No. […]
-
Higit 33K active COVID-19 cases wala sa ospital – DOH
Hindi matatagpuan sa ospital ang 33,786 active cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), batay sa datos mula sa Department of Health (DOH) na ipinakita. Katumbas nito ang nasa 93% active cases. Base sa DOH Data Drop, 31,090 o 92 percent ng aktibong kaso ay mild; 2,551 ang asymptomatic; at 2,184 ang naka-confine sa […]