• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAIA flights tigil muna dahil sa technical issues – Civil Aviation Authority of the Philippines

KINUMPIRMA ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, na suspendido ngayon ang mga flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil may mga tinutugunang technical issues kaugnay ng napabalitang mga naantalang biyahe ng eroplano ngayong araw.
Batay sa report nagkaroon ng problema ang air navigation facilities ng CAAP.
Dahil dito, ang CAAP ay nagpapatupad na mga emergency protocol upang matugunan ang sitwasyon upang makapagpatuloy ang mga operasyon ng paglipad sa lalong madaling panahon.
Humihingi naman ng paumanhin ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pagkaantala na mangyayari dahil sa sitwasyon.
Siniguro ng pamunuan ng MIAA na kanila ng pinagana ang Crisis Management Team kasama ang ibat-ibang pangunahing ahensya para sa isang multi-discipline na diskarte at matugunan ang ang epekto ng insidente.
Inaasahan na ang mga flight departures at arrivals ay maibabalik sa mga bagong iskedyul.
Pinayuhan na rin ang mga pasahero na maghintay ng anunsiyo mula sa mga airline companies at manatili sa loob ng mga Terminal at lumapit sa pinakamalapit na airline o airport help desk para sa mga update.
Ang MIAA Emergency Response Teams ay inutusang magpatupad ng mga Standard Operating Procedure (SOP) alinsunod sa MIAA Manual on Irregular Operations (MIAA-IROPS).
Sa kabilang dako, ang mga airline operator ay nagpasimula na ng kani-kanilang contingency measures upang mabawasan ang epekto ng sitwasyon sa kanilang mga pasahero.
Ang mga karapatan ng mga pasahero sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights (APBR) ay dapat itaguyod sa ilalim ng mga pangyayari. (Daris Jose)
Other News
  • Sundalo at pulis, kasama sa prayoridad na mabakunahan ng Covid -19 vaccine

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga sundalo at mga pulis ay kasama sa prayoridad na mabakunahan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine at handa na para ipamahagi.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay inulit nito ang kanyang mga nagdaang pahayag na iprayoridad ang mga pulis […]

  • Sa mga taong ginawan siya ng mali: HEART, kahit naka-move on na ‘di pa rin ready magpatawad

    HINDI napigilan ni Heart Evangelista na maging emotional sa kanyang latest unscripted, documentary-style “I Am Heart” vlog na kinunan noong 2023 sa photo shoot niya sa Indonesia at Singapore.       Napag-usapan sa vlog ang pag-please ni Heart sa mga taong katrabaho niya.       “I’m only human. Like, I’m really tired. When […]

  • KISSES, may plano na mag-join sa Miss World Philippines 2021

    MAY plano pala si Kisses Delavin ng All-Access to Artists na mag-join sa Miss World Philippines 2021.      Kaya naman excited ang kanyang mga fans and followers sa balitang ito. Alam kasi nilang bago pa nag-join si Kisses sa Pinoy Big Brother noon, beauty queen na siya sa kanilang province sa Masbate.     Bagay […]