• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAIA glitch ‘di cyber attack – CAAP

MALABONG cyber-attack ang naging dahilan ng aberya sa air traffic management system (ATMS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Bagong Taon.

 

 

Ito ang sinabi ni Civil Aviation Authority of the ­Philippines (CAAP) executive director Manuel Tamayo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe.

 

 

Ayon kay Tamayo, lumalabas sa parallel investigation ng Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) ng CAAP noong Enero 3 na unlikely na cyberattack ang dahilan ng NAIA glitch.

 

 

Sa kabila naman ng findings, sinabi ni Tamayo na ibinigay pa rin ng CAAP sa CICC para sa kanilang forensic prove ang circuit breaker at power transport switch ng ATMS.

 

 

Ang CICC ay attach agency ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

 

 

Sa pagdinig ng Senado ay ipinaliwanag ni Tamayo ang nangyari noong Enero 1 gamit ang isang power point presentation pinakita niya na pumalya ang isa sa mga circuit breaker dahil sa over voltage ng kuryente na na-detect ng dalawang uninterruptible power system (UPS) na otomatikong nag-shutdown para maiwasan ang mas malaking pinsala sa system.

 

 

Humingi naman si Tamayo ng paumanhin sa mga taong naabala at naapektuhan ng insidente.

 

 

Aniya, magsisilbi itong leksyon sa CAAP at inaako nila ang responsibilidad at accountability. (Daris Jose)

Other News
  • Gilas gagapang na parang ahas sa SEA Games 3-peat crown

    Dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas women’s basketball team para sa kauna-unahang misyong three-peat championship sa 32nd Southeast Asian Games 2023 sa Mayo sa Cambodia.     Siniwalat ito ni national coach Petrick Henry Aquino sa Philippine Sportswriters Association Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic […]

  • Operating hours ng LRT-2 paiiksiin

    Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng shortened operating hours sa mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa susunod na linggo.   Batay sa inisyung advisory ng LRTA, nabatid na aabutin ng isang linggo ang naturang pagpapa-ikli sa oras ng biyahe ng mga tren o mula Hulyo 27, Lunes, […]

  • LTFRB, nagbabala sa mga PUV driver na naniningil ng sobra sa sapat na pamasahe

    NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper ng public utility vehicle hinggil sa overcharging sa pasahero ng ilan sa mga ito.     Kasunod ito ng isang insidente kung saan siningil ng tripleng halaga ng normal na pamasahe ang K-pop boy band member na si Joshua Hong noong […]