• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Operating hours ng LRT-2 paiiksiin

Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng shortened operating hours sa mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa susunod na linggo.

 

Batay sa inisyung advisory ng LRTA, nabatid na aabutin ng isang linggo ang naturang pagpapa-ikli sa oras ng biyahe ng mga tren o mula Hulyo 27, Lunes, at magtatagal hanggang sa Agosto 2, Linggo.

 

Ayon sa LRTA, sa mga nasabing petsa, ang unang biyahe ng mga tren mula sa Araneta Center-Cubao Station sa Quezon City at mula sa Recto Station sa Maynila ay aalis ng 5:00AM habang ang huling biyahe naman nito ay pansamantalang paiikliin at gagawin na lamang munang hanggang alas-7:30 ng gabi.

 

Anang LRTA, layunin nito na bigyang-daan ang instalasyon ng bagong power cables sa pagitan ng Pureza at Legarda Stations.

 

Inaasahan namang magbabalik ang normal train schedule ng LRT-2 sa Agosto 3, 2020, Lunes. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ang National Public Transportation Coalition (NPTC)

    SA unang pagkakataon ay nagsama-sama ang iba’t bang grupo sa sektor ng transportasyon upang itatag ang National Public Transport Coalition (NPTC). Mula sa motorcycle-for-hire, tricycles, pampasaherong jeep, UV express, TNVS, taxi, at bus, trucks, at iba pang uri ng public transport, ay nagkaisang susuporta sa bawat isa pagdating sa mga issues na makakaapekto sa kanilang […]

  • Ads January 25, 2022

  • DepEd, naghahanda na para sa 2022 global learning assessment

    Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na bumuo na sila ng technical working group para ihanda ang mga guro at estudyante na lalahok sa isang international learning assessment.   Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, lalahok ang bansa sa susunod na Programme for International Student Assessment (PISA), na gaganapin sa 2022.   Bagama’t kumpiyansa ang […]