• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAIA parking fee tataas

Nag-anunsyo ang Manila International Airport Authority (MIAA) na tataas ang sinisingil na y mga buses ay magbabayad ng P100 at ang kotse ay sisingilin ng P50 kasama na rin ang motorcycles na kailangan magbayad ng P20 sa unang dalawang oras. Habang sa susunod na oras pagkatapos ng dalawang oras o di kaya ay ang fraction na katumbas na rate ay sisingilin ang buses ng P50, P25 ang cars, at P10 ang motorcycles.

 

 

Ang bagong rates naman sa overnight parking ay P1,200 sa cars, P480 sa motorcycles at P2,400 sa buses mula sa dating P300 lamang.

 

 

“The increased rates are included in the regulated fees as part of the AD No 1 as revised,” wika ni MIAA general manager Eric Ines.

 

 

Binigyan diin naman ni MIAA executive assistant Chris Bendijo na ang unang dalawang oras lamang ng bagong rates ang regulated.

 

 

“The first two hours are regulated fees, which means these were subjects to the approval of the MIAA, the MIAA board, and the Cabinet,” sabi ni Bendijo.

 

 

Habang ang kasunod ng mga oras ay non-regulated kung saan ang bagong concessionaire na NAIA Infra Corp ang siyang nagdesisyon.

 

 

Inamin ni Bendijo na ang overnight parking ay mataas kumpara sa itinaas na hourly charges. Subalit sinabi naman niya na baka ito na ang maging solusyon sa problema ng pagkakaron ng mga drivers na colorum ang sasakyan sa NAIA.

 

 

Ayon kay Bendijo na kanilang ipaparating sa NNIC ang sentimiento ng publiko na masyadong mataas ang bagong rates sa parking.

 

 

“Maybe we could evaluate, study and see if the rates could be adjusted,” dagdag ni Bendijo. LASACMAR

 

 

Other News
  • ‘Temporary relief measures’ hinahanapan para maibsan ang impact ng oil price hike – DOE

    HUMAHANAP na ng temporary relief measurs ang Department of Energy (DOE) para maibsan ang impact ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.     Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa iba pang mga kagawaran para maipatupad ang whole-of-government approach para sa relief measures sa […]

  • Ex-DoH Sec. Garin, 9 iba pa pinakakasuhan

    Pinasasampahan na ng Department of Justice (DoJ) panel ng patong-patong na kaso sina dating Health Sec. Janet Garin at siyam na iba pa kaugnay ng ikalawang batch ng Dengvaxia case.   Sa 78 pahinang resolusyon na inilabas noong Pebrero 19, 2020, kasama sa mga pinasasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa korte ang […]

  • Warriors star Stephen Curry hindi makakapaglaro ng 2 laro dahil sa injury

    POSIBLENG hindi makakasama ng Golden State Warriors ng dalawang laro si Stephen Curry matapos na magtamo ng injury.     Ayon sa Warriors, na nagpapagaling ito sa kaniyang ankle injury.     Natamo nito ang nasabing injury sa pagkatalo ng Warriors laban sa Los Angeles Clippers nitong Lunes sa score na 112-104.     Sumailalim […]