• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAIA sasailalim sa mga pagbabago

NATAPOS na ang turn-over ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa bagong pribadong operator, ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), na naatasan na gumawa ng mga pangunahing rehabilitasyon dito na nagkakahalaga ng P170.6 billion.

 

 

Gagawin ang rehabilitasyon sa loob ng 15 taon. Sisimulan ang mga pagbabago sa loob ng susunod na 12 buwan kung saan mararanasan ng mga pasahero na magkakaron ng pagbabago sa kanilang paglalakbay subalit ang mga ito ay mas magiging mahal ang bayad sa kanilang paglalakbay.

 

 

Nangako ang NNIC na sa loob ng kalahating taon ay kanilang gagawin ang mga madadaling pagkukumpuni sa nasabing paliparan. Una nilang gagawin ay ang pag-aayos ng mga comfort rooms at ang pagkakaron ng tuloy-tuloy na daloy ng tubig kasama na ang pagbili at paglalagay ng mga bagong upuan sa mga terminals at ang pag-lalagay din ng mga bgong cooling systems.

 

 

Maglalagay din sila ng masa mabilis na connectivity o wi-fi sa lahat ng nasasakupan ng mga terminals na magagamit ng mga pasahero kung kailangan nilang magtrabaho habang nasa airport.

 

 

Umaasa naman si Infrawatch PH convenor Terry Ridon na ang NNIC ay uunahin ang pag-aayos ng mga mobility facilities tulad ng mga elevators,escalators at walkalators para mas maging madali at magaan ang paglalakad sa mga terminals.

 

 

Ayon sa NNIC ay gagawin nila ang mga nasabing pagbabago ng mga facilities at magkakaroon din ng karagdagan improvement sa mga transport options sa pagpunta at pag-alis ng airport.

 

 

Sa ika-limang taon ng kanilang rehabilitasyon, ang NNIC ay kailangan din magawa ang mga malalaking programa sa rehabilitasyon tulad ng pagtataas ng passenger capacity at pagtatayo ng bagong terminal.

 

 

Isa sa mga pangunahing layuin ng NNIC ay ang magkaron ng pagpapalawig ng kapasidad ng NAIA upang magkaron ng 62 million kada taon mula sa dating 35 million.

 

 

“We are confident that it can reach this milestone by removing the remains of the Philippine Village Hotel near Terminal 2 and constructing a new terminal on the property that would be vacated,” wika ng NNIC

 

 

Maliban dito, nasa concession din na kailangan na magkaron ng propelling ng aircraft movement sa NAIA ng 48 kada isang oras mula sa dating 40. Kung kaya’t ang NNIC ay tinitingnan ang posibleng pagkakarong ng terminal reassignment ng mga airlines upang maging maganda ang runway efficiency at mabawasan ang flight interruptions.

 

 

Sa ilalim ng nasabing plano ang local carriers tulad ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at AirAsia Philippines ay umaasa na magkakaron ng kunsultasyon sa mga stakeholders bago muna ipatupad ang nasabing reassignment upang makalikom ng mga insights kung paano maapektuhan ang mga pasahero.

 

 

Dahil dito, ang mga pasahero ay mapipilitan na magbayad ng mas mahal na fees sa darating na taon.

 

 

Sa darating na September 2025, sa unang anibersaryo ng handover, ang mga fees sa serbisyo ay inaasahang tataas ng 72 porsiento o mula P550 magiging P950 ang international flights at 95 porsiento naman o magigingP390 mula sa dating P200 sa mga domestic flights.

 

 

Ang Carriers Association of the Philippines na binubuo ng 36 na airlines ay nagbigay ng babala sa mga pasahero na ang flying costs ay tataas kapag ang NNIC ay itinaas ang service charges sa NAIA. Ang mga airlines ang unang tatamaan ng price adjustments dahil ang kanilang takeoff rates ay tiyak na tataas.

 

 

“As instructed, NAIA is imposing takeoff rates between $794 and $1,794 in the initial year of the concession for international flights. For domestic, the amount ranges from P14,417 to P34,617,” sabi ng CAP.

 

 

Hindi naman sinasangayunan ng mga advocacy groups tulad ng AirportWatch.PH at Bantay Kunsyumer, Kalsada, Kuryente ang nasabing gagawing pagtataas ng mga rates at sinabi nila na dapat ay magkaroon muna ng mga reporma bago ang pagtataas.

 

 

Kinikuwestyun din ng grupo ang SMC na siyang lead party ng NNIC na kung talagang matatapos nila sa tamang panahon ang gagawing rehabilitasyon dahil may history na ang SMC na hindi nakakatapos ng malalaking proyekto sa takdang panahon tulad ng ginagawang P735.63 billion na New Manila International Airport at ang P125.04 billion na Metro Rail Transit Line 3. LASACMAR

Other News
  • Ads June 7, 2022

  • Winnie The Pooh Horror Movie Image Reveals Young Christopher Robin

    NEW Winnie-the-Pooh: Blood and Honey images reveal a young Christopher Robin in the upcoming slasher film.   With Winne-the-Pooh now in the public domain, meaning that Walt Disney no longer holds exclusive rights to the characters, this allowed writer/director Rhys Frake-Waterfield to develop a demented reimagining of A. A. Milne and E. H. Shepard’s Winnie-the-Pooh […]

  • Mga naliliitan sa P1k ayuda ng gobyerno na ipinamamahagi ngayong panahon ng ECQ, pinatulan ng Malakanyang

    TILA ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya.   Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance […]