NAITALANG KASO NG COVID SA EVACUATION CENTER, INAGAPAN
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Health o DOH sa lokal na pamahalaan ng Marikina kaugnay sa naitalang kaso ng COVID-19 sa isang evacuation center doon.
Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire sa kanyang virtual media forum, agad namang kumilos ang local health safety officer at dinala sa ospital ang evacuee kung saan siya nasuri matapos siyang mahirapang huminga.
Pinuri naman ni Vergeire ang ginawa ng Marikina LGU sa pangunguna ni Mayor Marci Teodoro at sinabing “good practice” dahil agad na inisolate o inihiwalay ang pasyente at dinala sa appropriate facility at pinasalang sa COVID-19 test.
Nang makumpirmang positibo ang evacuee ay agad na nagsagawa ng contact tracing kung saan labing pito ang closed contacts ng nasabing evacuee.
Ayon kay Vergeire, tatlo ay kaanak at labing apat na kapitbahay ang nakasalamuha nito sa evacuation center.
Isinailalim na rin sa RT-PCR ni Mayor Teodoro ang mga close contacts at lumabas naman na lahat ay negatibo.
Gayunman, naka-quaratine pa rin ang mga close contacts ng pasyente habang patuloy silang minomonitor ng Marikina LGU.
Samantala, inaalam pa ng DOH kong may sakit na ang pasyente bago ito dalhin sa evacuation center. (GENE ADSUARA)
-
Sparring ni Pacquiao level-up na!
Mas lalong patataasin ni Hall of Famer Freddie Roach ang lebel sa training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California. Kabilang sa estratehiya nito ang paghamon sa lahat ng sparring mates na isasabak nito kay Pacquiao kung saan bibigyan ng mahusay na trainer ng pabuya ang […]
-
Kung lalabas na may ‘utak’ sa Bamban POGO Alice Guo pwedeng state witness
MAAARING maging state witness ang pinatalsik na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung lalabas sa isinasagawang imbestigasyon na may mas malaking taong nasa likod ng iligal aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub, ayon sa tagapagsalita ng Department of Justice (DOJ) sa news forum sa Quezon City. “If for example, may makita […]
-
Kongreso tutulong sa PSC
HANDA ang Congress Committee on Youth and Sports Development na suportahan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa hihinging P182M badyet para sa kampanya ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Topkyo, Japan. Base ito sa committee regular meeting nitong Miyerkoles na ginanap sa House of Representatives sa Quezon City. Inesplika ni PSC […]