• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAITALANG KASO NG COVID SA EVACUATION CENTER, INAGAPAN

NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Health o DOH sa lokal na pamahalaan ng Marikina kaugnay sa naitalang kaso ng COVID-19 sa isang evacuation center doon.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire sa kanyang virtual media forum, agad namang kumilos ang local health safety officer at dinala sa ospital ang evacuee kung saan siya nasuri matapos siyang mahirapang huminga.

Pinuri naman ni Vergeire ang ginawa ng Marikina LGU sa pangunguna ni Mayor Marci Teodoro at sinabing “good practice” dahil agad na inisolate o inihiwalay ang pasyente at dinala sa appropriate facility at pinasalang sa COVID-19 test.

Nang makumpirmang positibo ang evacuee ay agad na nagsagawa ng contact tracing kung saan  labing pito ang closed contacts ng nasabing evacuee.

Ayon kay Vergeire, tatlo ay kaanak at labing apat na kapitbahay ang nakasalamuha nito sa evacuation center.

Isinailalim na rin sa RT-PCR ni Mayor Teodoro ang mga close contacts at lumabas naman na lahat ay negatibo.

Gayunman, naka-quaratine pa rin ang mga close contacts ng pasyente habang patuloy silang minomonitor ng Marikina LGU.

Samantala, inaalam pa ng DOH kong may sakit na ang pasyente bago ito dalhin sa evacuation center. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ANGELICA, nagpasalamat pa sa basher na apektado sa pag-iingay ng isang ‘starlet’ at ipinagtanggol ng netizens

    DAHIL sa nag-viral na naman ang video ni Angelica Panganiban na tungkol pa rin sa pagiging wais na pagboto sa paparating na May 2022 national elections, may isang basher na tinawag siyang ‘starlet’.     Nagbabala kasi ang Kapamilya actress sa mga botante ng, “Pag may history ng pambubudol, never again, never forget tayo.”   […]

  • Heat players Adebayo at Dragic kuwestiyonable pa ring makapaglaro sa Game 4

    LABIS pa ring umaasa sina Miami Heat players Bam Adebayo at Goran Dragic na payagan na sila ng kanilang mga team physician na makapaglaro sa Game 4 NBA finals laban sa Los Angeles Lakers.   Sa ngayon kasi ay question- able pa rin ang status ni Adebayo dahil sa neck strain habang si Dragic ay […]

  • VP Sara dumalo sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee

    DUMALO sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee ngayong araw si Vice President Sara Duterte kung saan nagpapatuloy ang pag imbestiga sa P612 million confidential funds.     Nanumpa naman si VP Sara bago siya payagan magsalita sa pagdinig.   Naging mainit ang palitan ng mga pahayag lalo at tinatanong din ni VP Sara ang […]