NAKA-HEIGHTENED ALERT DAHIL SA DELTA VARIANT
- Published on June 23, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na lahat ay naka-heightened alert ngayon dahil sa banta ng Delta variant.
Kaugnay nito, binibigyan diin ng DOH ang direktiba ng IATF pagdating sa Cebu dahil nais lamang aniya ng gobyerno na makontrol ang lalo pang pagpasok ng double mutant variant .
” Lahat po tayo ngayon ay nasa heightened alert”, ayon kay Vergeire.
“Lahat ng local government at lahat ng regional offices ay na-inform na kailangang bantayan maigi ang Delta variant sa buong bansa at sa mga border control,” ayon pa kay Vergeire. Napag-usapan din aniya na hindi maaaring hindi pare-pareho o uniform ang kanilang implementasyon sa mga border control.
“We cannot have non- uniformity in implementation of our border control’, giit pa ng opisyal.
“Yan po ang pinag-uusapan, napagkasunduan,” dagdad pa nito.
Nakausap na rin aniya ang mha regional directors ng ibat-ibang ahensya sa Cebu at ang direktiba ay ang pagpapatupad ng mga hakbang .
Sa Cebu naman aniya ay nag-uusap na rin para maiayos kung paano maumpisahan ang pagpapatupad nga. Mga hakbang sa border control. (GENE ADSUARA)
-
ANYARE sa JEEP? ANGKAS may PAG-ASA BANG PAYAGAN?
Kamakailan ay naimbitahan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng Quezon City anti-corruption committee chairman, Jano Orate, upang pangunahan ang pagbibigay ng ayuda sa mga jeepney drivers na nakatira sa UP Campus sa QC. Kasama si Kapitana Zeny Lectura. Ang mga beneficiaries ay ilan sa mga jeepney drivers na napilitan nang mamalimos […]
-
Pres. Duterte nais pa ring pigilin ang anak na si Mayor Sara na ‘wag tumakbo sa pagkapangulo
Hindi pa rin sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkapangulo ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte. Sa ginawang talk to the people nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na maaring tumakbo sa ibang pagkakataon na lamang ang Davao City mayor. Dagdag pa nito, ang naging […]
-
Sky Candy nangibabaw
HINDI naglaho ang galing ni Sky Candy na nirendahan ng class A na hineteng si JA Guce, maski matagal na nabakasyon pinamayagpagan nitong Linggo ang PHILRACOM-RBHS Class 3 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Dinamba ura-urada ng nasabing kabayo ang primera pagkalabas ng aparato, paentra ng far turn, humirit sina Refuse To […]