• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakagugulat din ang chemistry nila ni Xian: RYZA, ‘di na maaaring pagtaasan ng kilay ngayon bilang aktres

SA aming personal na opinyon, hindi na maaaring pagtaasan ng kilay ngayon si Ryza Cenon bilang aktres.
Pinatunayan niya na kaya niyang maging mahusay na artista sa napaka-epektibo niyang portrayal bilang si Aurora (taong 1900), Belen (taong 1950) at Elly (year 2020) sa pelikulang ‘Sana Muli1 ng Viva Films.
Matagal na naming kilala si Ryza, kapapanalo pa lamang niya bilang Ultimate Female Survivor ng StarStruck noong 2004 (si Mike Tan ang Ultimate Male Survivor) ay nasubaybayan na namin, more or less, ang journey ni Ryza bilang artista.
At ginulat niya kami sa pasabog na acting niya sa ‘Sana Muli’ na pinagbidahan nila ni Xian Lim na gumanap naman bilang si Victor (1900), Nicolas (1950) at Pepe o Pep (2020).
Maayos na naitawid ni Ryza ang tatlo niyang persona; ang mahiyain at konserbatibong si Aurora; ang mayumi at masayahing si Belen, at ang palamura, naninigarilyo at nangungalangot na si Elly.
Hindi nagkamali ang Viva Films na pagbidahin si Ryza sa isang pelikula dahil halatang itinodo ni Ryza ang nalalaman niya bilang isang aktres.
At sa totoo lang, ikinagulat rin namin na may onscreen chemistry sina Ryza at Xian, na kahit may kani-kanya na silang karelasyon sa tunay na buhay (two years old na si Baby Night na anak nina Ryza at Miguel Antonio Cruz at going strong naman ang relasyon nina Xian at Kim Chiu), may kilig na hatid ang tambalang ito ng dalawa.
Sa direksyon ni Fifth Solomon, palabas na ngayon sa mga sinehan nationwide ang ‘Sana Muli.’
Nasa pelikula rin sina Candy Pangilinan, Aurora Sevilla, Josef Elizalde, Ali Kathibi, at marami pang iba.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • PBBM, aprubado ang Export Dev’t Plan para ipuwesto ang Pinas bilang exporting hub-DTI

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Philippine Export Development Plan, naglalayong palakasin ang mga industriya ng bansa at ipuwesto ang Pilipinas bilang isang ” potential exporting hub.”     Kinumpirma ni Department of Trade and  Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa briefing  ng Presidential Communications Office (PCO) na napag-usapan ang Philippine Export Development Plan […]

  • Ads November 11, 2024

  • Panukalang Bayanihan III, pag-iisahin sa TWG

    Binuo ng House Committee on Economic Affairs ang isang technical working group (TWG) para pag-isahin ang dalawang panukala na naglalayong madaliin ang pag-ahon ng ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng nararanasang pandemya.   Ang House Bill 8031 o ang “Bayanihan to Arise as One Act” at ang HB 8059 o ang “Bayanihan to Rebuild as […]