Panukalang Bayanihan III, pag-iisahin sa TWG
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
Binuo ng House Committee on Economic Affairs ang isang technical working group (TWG) para pag-isahin ang dalawang panukala na naglalayong madaliin ang pag-ahon ng ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng nararanasang pandemya.
Ang House Bill 8031 o ang “Bayanihan to Arise as One Act” at ang HB 8059 o ang “Bayanihan to Rebuild as One Act”, ay parehong naglalayong isailalim ng isang mekanismo ang pamamaraan upang mapabilis ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa at socio-economic relief.
Ang HB 8031 ay iniakda ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, na nagsabing kailangang palakasin ng pamahalaan ang paggasta upang maiangat ang ekonomiya ng bansa.
“Kailangan pa natin ng mas maraming economic stimulus, subalit dahil hindi pinapayagan ng ating Saligang Batas ang pagdaragdag ng pondo sa panukalang badyet, kailangan nating humanap ng karagdagang pondo para sa muling pagmumungkahi ng panibagong economic stimulus,” ani Quimbo.
Sa ilalim ng kanyang panukala ay hinihiling niya na maglaan ng karagdagang P400-bilyon. Sa kabuuang halaga, ang P330-bilyon nito ay ilalaan sa pagtugon sa COVID-19 at P70-bilyon naman ay para sa pagtugon sa mga kalamidad
Samantala, ang isa sa mga may akda ng HB 8059 na si Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ay iginiit ang pangangailangan na matiyak na may sapat na pondo para sa pagbili ng bakuna.
“Ang pangkalahatang direktang pamamaraan ay pabilisin ang pagbili ng bakuna. Siguraduhin na ngayon at gastusan na ‘yan,” aniya.
Idinagdag ni Salceda na dapat na maglaan ng pondo ang pamahalaan sa typhoon relief at pasiglahin ang pautang para sa paglago ng ekonomiya.
“Hindi na maiiwasan ang pangangailangan na magbigay tayo ng ayuda sa mga kabahayan at kabuhayan, at magtatag ng pundasyon para sa isang matagalang programa sa pag-ahon at paglago ng ekonomiya,” dagdag pa niya.
Kasama sa mga naghain ng HB 8059 ay sina Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin. (ARA ROMERO)
-
Jamie Lee Curtis Has Hotdog Hands in ‘Everything Everywhere All at Once’
JAMIE Lee Curtis is adding to her Everything Everywhere All at Once transformation by sharing a new behind the scenes photo of herself with hot dog hands. Last seen in 2021’s Halloween Kills, Curtis will appear in the upcoming science fiction film, set to hit theaters on March 25, following its recent premiere at SXSW. […]
-
Paggamit ng public resources para sa personal interest, paglabag sa Code of Conduct
PAGLABAG sa Code of Conduct of Public Officials and Employees ang paggamit ng mga awtoridad sa government resources para sa kanilang personal interest. “Ang tanong dyan, pwede bang gamitin ang resources ng ating pamahalaan when clearly, this was a private function that was involved? In my opinion, that is not and should not […]
-
9 ANYOS DINALIRI
SWAK sa kulungan ang isang 30-anyos na lalaki matapos na magreklamo ang isang 9 anyos menor de edad na kanyang dinaliri sa likod ng isang truck,kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila. Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 na inamiyendahan bilang RA 8353 ang suspek na si Israel Barrera , ng 799 Fabia St.,Tondo dahil […]