• July 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakahanda na ang material at nagkausap na sila: VILMA, mukhang matutuloy nang makatrabaho si Direk BRILLANTE

SI Vilma Santos ang artistang nais makatrabaho ni Brillante Mendoza dahil hindi pa naididirek ng batikang direktor sa kanyang mga pelikula.

 

Pero ang magandang balita, dahil aktibo na muli si Vilma sa paggawa ng pelikula ay nagkaroon na sila ng pag-uusap para sa isang proyekto.
“Okay na, mag-aayos na kami ngayon,” pahayag ni Brillante.

 

 

Kaya maasahan na ng publiko na makapanood ng isang Vilma Santos film na si Brillante ang direktor lalo pa nga at nag-meeting na sila ni Vilma.

 

 

May nakahanda na raw siyang materyal para kay Vilma.

 

 

Bukod sa Star For All Seasons, nais raw makatrabaho ni Brillante ang ilan sa ating mga new generation stars.

 

 

Sina Joshua Garcia at Daniel Padilla ang mga pangalang binanggit ni Brillante.

 

 

“Popular sila sa mga Gen Z, e gusto ko naming kahit papaano, ayoko rin namang palaging, ‘pang-matanda ka lang.’

 

 

Sa mga babae ay sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang choices niya.

 

 

Bago nagkaroon ng pandemya at bago nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay nakapag-meeting na si Brillante sa mga kinauukulan para sana sa mga proyektong gagawin niya para sa ABS-CBN at Star Cinema.

 

 

Ano ang naiisip niyang proyekto para kay Joshua o Daniel?

 

 

“Yung bagay sa ano niya, pero ayoko siyang gawing over-dramatic, kumbaga tatanggalin mo siya sa kanyang comfort zone na parang…. gusto ko yung bagay sa kanila, hindi ide-deglamorize, hindi ilalayo sa image niya.”

 

 

Halimbawa, hinding-hindi niya gagawing isang macho dancer si Joshua sa isang proyekto.

 

 

“Oo, huwag mga ganyan kasi parang masyadong, dun sa idea pa lang parang nagpapaka-kontrobersyal ka na. Di ba?

 

 

“Parang, kuhanin mo yung tao dahil sa talent niya, di ba? At tsaka dun sa fanbase, dun sa following niya. Di ba hindi naman natin titingnan na, ’Ay marami bang manonood dun pag ginawa natin siyang macho dancer?’

 

 

Samantala, entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival ang ‘Apag’ na ipapalabas sa mga sinehan simula April 8 hanggang April.

 

 

Gaganap dito si Coco Martin bilang si Rafael Tuazon. Tampok rin sa pelikula si Jaclyn Jose, Gladys Reyes, Mercedes Cabral, at Senator Lito Lapid.

 

 

Nasa pelikula rin si Julio Diaz at Ronwaldo Martin, with special participation of Shaina Magdayao, Joseph Marco, Vince Rillon, Mark Lapid, and Ms. Gina Pareño.

 

 

Isa pang pelikula ni Brillante na hindi pa ipinapalabas ay ang ‘Pola’ kung saan tampok sina Coco at Julia Montes.

 

 

***

 

 

SA latest post sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Ronnie Liang na muli siyang pumapasok sa eskuwelahan.
“Today marks the beginning of an exciting new journey. I have decided to take a leap of faith and enroll in a Doctor of Philosophy program in Development Administration, majoring in Security Development Administration,” umpisang bahagi ng FB status ni Ronnie kalakip ang litrato niya na nasa paaralan.

 

Kaya sa pamamagitan ng Facebook messenger ay minabuti naming kapanayamin ang actor/singer/host/pilot para sa mga iba pang detalye tungkol sa muli niyang pag-aaral.

 

Bakit ito ang naisipan niyang kunin na course? Ano work/profession niya kapag natapos na niya ang naturang kurso?
“This is aligned with my Master’s Degree in Management Major in National Security Administration, and I am just preparing for the inevitable.

 

“I know hindi po ako forever artista, now that while I still have the means to study, I am grabbing the opportunity para kahit ano’ng mangyari if ever in the future may mga other alternatives aside sa pagiging pilot,” pahayag sa amin ni Ronnie.

 

Sariling desisyon ba niya na muling mag-aral o may nag-impluwensiya sa kanya?

 

“Yup, my own decision! Before pa noong college pa ako plan ko talaga din mag-Masters Degree then mag-PhD after college. “Pero nakapasok ako sa Pinoy Dream Academy after mag- graduate ng college and sunud-sunod ang schedules, na-delay lang din.

 

“During the lockdown I took the opportunity na mag-Masters Degree via an online program ng Philippine Christian University, now PhD naman pero blended naman siya, face-to-face & online, depende sa professor and schedules na assigned ng university.”

 

Nagtapos ng Master’s Degree in Management Major in National Security Administration si Ronnie nitong nakaraang taon doon rin sa eskuwelahang pinapasukan niya ngayon, ang Philippine Christian University.

 

“I will finish after two years or more, depende din if kaagad matapos ang dissertation namin.

 

“This is not just another degree but also an investment in my future because I know I will not be a singer and actor forever, so now I am preparing for a career beyond my current profession.

 

“The road ahead may be long and challenging, but I am ready, excited, and determined to make the most of this opportunity. “As someone who deeply values personal growth and lifelong learning, I know that this will require hard work, dedication, and sacrifice, but it will also transform me in many ways that I cannot even imagine.

 

“I am excited about this new chapter in my life, and I am eager to see where it takes me.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Pinadalhan na ng demand letter ng abogado ng media workers: PAOLO, patuloy na kakasuhan dahil ‘di pa nakikipag-settle sa financial obligation

    PATULOY ang pagsampa ng kaso kay Paolo Bediones dahil hindi pa rin daw ito nakikipag-settle sa financial obligation niya sa higit na 116 media workers.     Pinadalhan na raw ng demand letter si Bediones ng abogado ng media workers.   Sa isang pinadalang statement ni Bediones, sinabi nito na fully aware daw ang kanyang […]

  • 30-K manok sa Pampanga, isinailalim sa culling dahil sa bird flu

    Kinumpirma ng Department of Agriculture na mahigit 30,000 manok sa Central Luzon ang isinailalim sa culling.   Ito ay mtapos na maitala ang avian influenza infection sa isang farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga.   Ayon sa ahensya, kaagad na inilibing ang mga kinatay na manok upang sa gayon ay maiwasan na ang […]

  • Ads March 28, 2022