Nakaka-touch ang pinost sa FB at IG: LOTLOT, labis-labis ang pasasalamat sa espesyal na award mula sa ‘The 5th EDDYS’
- Published on December 3, 2022
- by @peoplesbalita
DAHIL hindi siya nakadalo sa mismong awards night ng The 5th EDDYS ay sinigurado ni Lotlot de Leon na makapunta sa Christmas Party ng SPEEd (Society of Entertainment Editors) nitong December 1 sa Dapo Restaurant sa Quezon City.
Deadma sa ulan that night ay umapir si Lotlot sa napakasayang party ng SPEEd kung saan mismong ini-award kay Lotlot ang kanyang Best Supporting Actress trophy para sa ‘On The Job 2: The Missing 8.’
Masayang-masaya ang aktres na naka-bonding ang mga officers at members ng SPEEd sa kanilang bonggang party.
Nakaka-touch rin ang post ni Lotlot sa kanyang Facebook page the following day ng mga litratong kuha sa SPEED Christmas party at ang bahagi ng kanyang nakakakantig na pasasalamat sa naturang samahan ng mga entertainment editors.
“Kaya itong Eddys napaka-espesyal sa akin.
SPEEd or Society of Philippine Entertainment Editors, isang samahan ng mga natatanging manunulat, mga nirerespeto ko sa Industria. Sila yung nag veverify, fact check bago ilabas ang balita..
“Lalo na sa panahon ngayon na napaka dami ng fake news pero pag pangalan na nila ang nakalagay alam mo na totoo ito.
“I am humbled to be seen by all of you.
“Isang karangalan ang mabigyan ng karangalan galing sa inyo. Maraming maraming salamat po.
“May God continue to bless you and the work that you do.
“I still believe that the pen is mightier than the sword!
“Salute!”
***
SPEAKING of ‘On The Job’, may kasunod na ang naturang proyekto kung saan isang prequel naman ang handog ni director Erik Matti sa mga tumangkilik ng naturang film franchise.
Sa pangatlong installment ng On The Job (na ang shooting ay sa third quarter ng 2023), nakaka-excite na mapapanood natin sa cast sina Jericho Rosales at Ryan Agoncillo.
Gaganap sa prequel si Echo bilang young Mayor Pedring Eusebio na unang ginampanan ng mahusay na aktor na si Dante Rivero, at si Ryan naman ay gaganap bilang batang Rene Pacheco, ang high-ranking military man na unang ginampanan ni Leo Martinez.
Siguradong kakaiba ang twists and turns at mga flashback highlights ng upcoming project na ito, kaya tiyak na aabangan ito ng publiko.
Interesting ring malaman kung nasa prequel pa sina Lotlot de Leon at John Arcilla.
***
LOVE is sweeter the second time around kaya naman nagpakasal for the second time sina Ai Ai delas Alas at mister niyang si Gerald Sibayan.
Unang ikinasal sina Ai Ai at Gerald noong 2017 sa Christ the King Parish Church sa Greenmeadows sa Quezon City.
At inanunsiyo ni Ai Ai sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na nag-renewal of vows sila ni Gerald sa Las Vegas
Kalakip ng photo collage nina Ai Ai at Gerald (kung saan naka-white dress si Ai Ai at may belong asul samantalang naka-dark suit naman si Gerald.
Kalakip ng larawang naghahalikan sila kung saan nakasuot si Ai Ai ng belo at may hawak na bulaklak habang naka-suit naman si Gerald ang caption na… “High five to our 5 year milestone.. To GOD be the glory .. Mama Mary thank you for taking care of us.”
Limang taon na sila ngayong kasal pero magkarelasyon na sila sa loob ng walong taon.
Sa San Francisco sa USA muna namamalagi ang mag-asawa, pinagkakaabalahan ng Comedy Queen ang kanilang baking business habang wala pa siyang show ulit sa GMA.
(ROMMEL L GONZALES)
-
Jamie Lee Curtis Has Hotdog Hands in ‘Everything Everywhere All at Once’
JAMIE Lee Curtis is adding to her Everything Everywhere All at Once transformation by sharing a new behind the scenes photo of herself with hot dog hands. Last seen in 2021’s Halloween Kills, Curtis will appear in the upcoming science fiction film, set to hit theaters on March 25, following its recent premiere at SXSW. […]
-
P112 milyon gagastusin ng DepEd sa mga iskul na nawasak kay ‘Karding’
AABOT sa mahigit P112 milyon ang inisyal na halagang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) sa pagkukumpuni ng mga paaralang winasak ng super bagyong Karding. Sa preliminary assessment report ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng DepEd, 20 paaralan ang nagtamo ng infrastructure damage na matatagpuan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, […]
-
DFA binulabog ng bomb threat
NAUWI sa tensyon ang pagbubukas pa lamang ng mga tanggapan sa Department of Foreign Affairs (DFA) nang mabulabog sa natanggap na bomb threat, sa Pasay City, kahapon ng umaga. Kaniya-kaniyang labasan sa mga opisina ang mga kawani hinggil sa sinasabing nakatanim na bomba sa gusali ng DFA. Natanggap ang ulat alas-7:00 ng […]