• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakatakda sa Oct. 7… PBBM, inaprubahan ang P7.9-B para sa immunization drive na Bakuna Eskuwela

 

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglalaan ng P7.9 billion para sa national immunization program ng Department of Health’s (DOH).

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ibinigay ni Pangulong Marcos ang kanyang pagsang-ayon sa isinagawang sectoral meeting kasama ang mga opisyal ng DOH sa pangunguna ni Herbosa sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila, araw ng Martes.

 

Sinabi ni Herbosa na ang inaprubahang budget ay mas mataas kaysa sa nagdaang budget na P6.4 billion budget na inilaan para sa immunization program ng departamento.

 

“Naibigay ni Presidente ‘yung aking ni-request na full budget. First time po ito. Lagi pong 60 to 70 percent lang nang hinihingi. But this is the first time our President really allocated PHP7.9 billion para sa mga pambili lang ng mga bakuna lamang po iyan,” ang sinabi ni Herbosa.

 

Sinabi pa ni Herbosa, ang DOH, sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd), maglulunsad din ng “Bakuna Eskuwela” campaign sa buong bansa sa Oktubre 7, sa pagsisikap na palakasin ang national immunization program at tugunan ang bumababang immunization rate sa bansa.

 

Sinabi pa nito na sakop ng Balik Eskuwela Program ang mga estudyante ng Grade 1, 4, at 7 sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

 

“Under the school-based immunization program, vaccines for human papillomaviruses (HPV), measles, rubella, tetanus, and diphtheria will be administered to the students,” ang winika naman ni Malacañang Press Briefer Daphne Oseña-Paez.

 

Nilinaw naman ni Herbosa na ang pagbabakuna ay hindi sapilitan at kailangan pa rin ng consent o pahintulot ng mga magulang.

 

“Kailangan pa rin ng parental consent. Of course, right of refusal pa rin,” ang naging pahayag ni Herbosa.

 

“And then, ang usual process naming, pag may nagrefuse na parents, ‘yung health workers na naming ang pumupunta at ini-interview, tinatanong bakit ayaw magpabakuna. And then we try to convince them, baka maling information, maraming nababasa sa social media,” lahad ng Kalihim.

 

Samantala, sinabi ni Herbosa na ang mga estudyante mula sa pribadong eskuwelahan ay maaaring ring mag-avail ng vaccination drive, binigyang-diin na titiyakin niya na “the program will not refuse any child.” (Daris Jose)

Other News
  • TNT sa bingit ng nawawalang playoffs sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon

    Naghukay ang TNT ng mas malalim na butas sa nanginginig nitong kampanya sa PBA Commissioner’s Cup.   Kasunod ng 140-108 kabiguan na dinanas nila sa mga kamay ng mga lider ng Bay Area Dragons, ang Tropang Giga ay nahaharap sa mabigat na gawain na kailangang manalo sa kanilang huling laro sa eliminations at umaasa na […]

  • Nasa office of the mayor, pero walang balak maging pulitiko… JAMES, ‘di lang aktor sa ‘Family Matters’ supervising producer din

    MUKHANG mangangabog sa takilya ang ‘Family Matters’ ng CineKo Productions ngayong Pasko, sa pagsisimula nang taunang Metro Manila Film Festival     Mula ito sa blockbuster tandem ng writer na si Mel del Rosario at direktor na si Nuel Nava na nasa likod din ng super mega-hit festival movie na ‘Miracle In Cell No. 7’ […]

  • 2 walang suot na face mask, huli sa shabu

    KULONG ang dalawang katao na nasita dahil sa hindi pagsuot ng face at paglabag sa curfew hour matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Rommel Dayao, 34, at Rominick Mirandilla, 31, […]