Nakatulong ang tiwala kay Ruru kahit kabado: JILLIAN, na-enjoy nang husto ang ginawang crossover sa ‘Black Rider’
- Published on April 27, 2024
- by @peoplesbalita
BONGGA naman talaga ang crossover sa GMA, kaya napanood si Jillian Ward bilang si Dra. Analyn Santos ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ‘Black Rider’ ni Ruru Madrid as Elias.
Na-excite si Jillian sa bagong experience niyang ito.
“Actually po, nag-action na rin ako noong bata ako sa Captain Barbell. Doon naman, sidekick ako ni kuya Richard (Gutierrez).
“Nagha-harness din ako dati and everything pero ngayon ko lang na-try na may eksena ako sa motor na may bumabaril sa amin. Intense talaga siya,” kuwento ni Jillian.
“Na-e-enjoy ko naman siya, in fairness, kasi sina direk (Rommel Penesa), they make sure kumportable ako kahit kinakabahan ako doon sa baril na pumuputok.”
Nakatulong rin kay Jillian na may tiwala siya kay Ruru na kasama niya sa halos lahat ng eksena niya sa naturang crossover.
Lahad ni Jillian, “Ang ating Black Rider, Mr. Ruru Madrid, talagang naging kumportable din ako. Alam kong safe ako sa kanya dahil magaling siyang mag-motor and magaling siya sa mga actions scenes.
“Na-e-enjoy ko naman siya kahit kabado ako.”
***
STRESS ang dahilan kung kaya natutong mag-paint ang businesswoman na si Myse Salonga.
Bukod sa katuwang si Myse ng kanyang mister na doktor sa kanilang klinika at pharmacy ay may negosyo si Myse.
“Nag-put up ako ng business ko, rentals ng property, bumibili kami ng condo, yung mga pre-selling, tapos warehouse, house and lot. Until now, iyon talaga yung negosyo ko.
“Alam mo bang nai-stress ako doon, kasi may sarili akong business, nai-stress ako! Eto na pumasok na yung painting ko.
“Parang gusto kong mag-paint. Wala akong formal education sa painting.
“Actually pinatayo namin itong bahay na ‘to thirteen years ago, ako mismo nag-design nito, ako mismo nag-interior, talagang nangialam ako sa architecture nito, sa engineering nangilam ako ako sa design nito.
“Tapos sabi ko since na-design ko naman ito try kong mag-paint. Tinry ko lang, isang canvass lang, nag-display ako, ‘Ay ang ganda pala!’
“Acrylic ang medium ko. Tapos nag-paint ako ng nag-paint.”
Kapag nai-stress si Myse, painting ang binabalingan niya.
“Doon ko nadiskbre na meron akong talent.”
Mahigit one hundred fifty paintings na ang naibenta niya.
At nitong Abril 1, 2024 sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng exhibit si Myse ng kanyang mga paintings, idinaos ito sa The Manor sa Camp John Hay sa Baguio City.
Ang opening ng kanyang exhibit ay dinaluhan mismo ng alkalde ng Baguio na si Mayor Benjamin Magalong na kaibigan ni Myse at iba pang mga kaibigang celebrity ni Myse, tulad ng actress/beauty queen na si Patricia Javier at travel show host/businesswoman Cristina Decena.
Ongoing hanggang June 1 ang exhibit ni Myse sa The Manor na ang beneficiary ay ang FAAB o Fashion of Arts Autism Benefit na nangangalaga ng mga kabataang may Autism.
Para sa mga karagdagang detalye at upang makita ang mga work of art ni Myse, maaaring bisitahin ang mga website na https://www.myseterpieceart.com/ at https://themanoratcjh.com/myse-art/ at https://www.facebook.com/share/p/RYd7fgWb4ddhFqUR/?mibextid=WC7FNe.r
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Ads July 5, 2021
-
Pulis naka motorsiklo namaril ng rider arestado
HAWAK na ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang isang Patrolman matapos mamaril at tutukan ng baril ang nakasabay na rider sa Tondo, Maynila. Unang nagreklamo ang biktimang si Wally Montinola, 30 ng 1631 Int.17,Phase 360 Pacheco St.Tondo sa MPD-Police Station 1. Ayon sa reklamo ng biktima, alas 11:30 ng […]
-
ZACHARY LEVI RETURNS AS “SHAZAM!” IN THE EPIC SEQUEL “FURY OF THE GODS”
THE all-new epic adventure “Shazam! Fury of the Gods” marks the supercharged return of Zachary Levi as Shazam, the irreverent yet sincere, wise-cracking teen-turned-DC Super Hero who—along with his Shazamily—must harness their extraordinary superpowers to face off against the Daughters of Atlas. This trio of fierce Greek goddesses and their monsters will stop […]