• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naki-share din si RITA na ka-partner sa ‘Lulu’: RHEN, crush na crush pa rin si ANGEL AQUINO at gustong makatambal sa pelikula

MULA sa box-office director ng Kita Kita na si Sigrid Andrea Bernardo, inihahandog ng Vivamax ang girl love series na Lulu, na magsisimula na sa January 23, 2022.

 

 

Makikilala na ang unang pagsasama ng sultry actress na si Rhen Escaño (Adan, The Other Wife, Paraluman) bilang Sophie at ang baguhang aktres na si Rita Martinez (The Voice Philippines season 2 semifinalist, LGBTQIA+ advocate) bilang Abi.

 

 

Dahil sa relasyong nauwi sa hiwalayan, gusto munang lumayo at mapag-isa ni Sophie. Pati ang kanyang social media accounts ay deactivated na. Siya ay nagtungo sa kanyang beach house na pinaparentahan sa AirBnB at inisip niyang ipaayos na rin ito.

 

 

Ang kaso, lahat na lang ng ginagawa niya ay hindi maganda ang nagiging resulta. Sa katunayan, iniisip ni Sophie na wala na siyang ginawang tama sa 25 taon na nilalagi niya sa mundo.

 

 

Ngunit nang dumating si Abi sa kanyang bahay at buhay, nakaramdam siya na ito ay tama. Si Abi ay isang butch lesbian, magaling magluto at tumutugtog bilang gitarista sa isang indie band. Laging planado ang buhay niya maliban ngayon.

 

 

Ngayon, gusto ni Abi na maglakbay nang walang sinusunod na plano. Dahil dito ay napadpad siya sa AirBnB property ni Sophie. Simula nang magkakilala sila, hindi na napigilang mahulog ang loob sa isa’t-isa.

 

 

May walong episodes ang GL series na lalabas tuwing Biyernes sa Vivamax.

 

 

Sundan kung paano makakaapekto sa relasyon nina Sophie at Abi ang pagbabalik ng kanilang mga ex at ang paglutang ng mga dating lihim at hinanakit.

 

 

Ibinahagi naman ni Direk Sigrid na matagal na niyang tinatago ang konsepto ng kwento ng Lulu. Humahanap lamang siya ng tamang panahon para ituloy ang pagsulat nito at maipalabas sa telebisyon o sinehan.

 

 

Salamat sa Viva Films at Viva TV na bukas sa realidad ng girl love and boy love stories at sa wakas ay nabigyan ng pagkakataon ang award-winning writer/director na ibahagi ang kwentong ito na siguradong magugustuhan ng mga open-minded na manonood.

 

 

Sa unang pagkakataon, mapapanood natin ang pagkakalog ni Rhen, malayo sa mga nakaraang roles niya, na unang napansin sa Untrue na mula rin kay Direk Sigrid.

 

 

Ayon pa kay direk, ang Lulu ay romantic comedy, at hindi heavy drama na nakasanayan ng marami pag dating sa lesbian love stories. “I wanted Lulu to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary. And it will come naturally,” tugon ng direktor.

 

 

Of course, we will tackle ’yong mga issues pero very, very subtle. It’s more of parang every-day life ng lesbian community.”

 

 

Sa pamamagitan ng seryeng ito, gusto ni direk na makita ng mga tao na hindi lang puro issues ang mga tomboy, “masayahin din sila”.   Aminado rin ang direktor na mas mahirap gumawa ng series dahil mas mahaba ito, kaya parang gumawa na rin siya ng dalawang pelikula at kailangan na may matinding cliffhanger sa dulo ng mga episodes, para maging interesting at aabangan ng viewers.

 

 

Pareho namang excited sina Rhen at Rita na makita ng mga tao ang pagmamahalan nina Sophie at Abi. Naniniwala si Rhen na walang masama sa ganitong klaseng kwento dahil walang pinipiling kasarian ang pag-ibig.

 

 

Masaya si Rita na ang kanyang papel na si Abi ay maraming pagkakapareho sa kanya. Bukod sa pagiging tomboy, mahusay na chef rin si Rita at tumutugtog rin sa isang banda

 

 

Samantala, natanong namin ang mga bida ng Lulu kung sino ang female celebrity na malakas ang dating sa kanila at kinakikiligan.

 

 

Wala naman kaabog-abog na sumagot si Rhen ng, “si Ate Angel Aquino talaga ako.

 

 

“Kasi nakasama ko siya sa ‘Ang Probinsyano’ before at sobrang vocal ako kanya, ganun kakapal ang mukha ko.

 

 

“Nakatitig lang ako sa kanya, tapos sabi ko sa kanya, ‘grabe Ate Angel, ba’t ka ganyan?’ Umagang-umaga, wala siyang make-up, sobrang ganda niya.

 

 

“Kaya sobrang vocal ako sa kanya na crush ko talaga siya. ‘Girl crush kita ate’, inamin ko sa kanya ‘yun na walang kaabog-abog.”

 

 

Dagdag pa niya, “gusto ko ngang makagawa ng film na kaming dalawa, parang ang sarap siguro ng feeling nun.”

 

 

Natatawang hirit naman ni Rita na kitang-kitang na kinikilig habang nagsasalita ang ka-partner, “puwedeng maki-share? Kasi si Miss Angel Aquino rin ang answer ko.”

 

 

Para mapanood ang Lulu, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.

 

 

Mapapanood din ang Lulu sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.

 

 

Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA na rin ito.

 

 

Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pinas, hinikayat ang US, China na ‘i-manage ang rivalry’ sa gitna ng umiigting na tensyon sa Taiwan

    HINIKAYAT ng Pilipinas ang Estados Unidos at China na “manage their strategic rivalry with dialogue” and “sincere engagement” sa gitna ng tumitinding tensyon sa Taiwan.     Sa naging talumpati ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa  idinaos na Center for Strategic and International Studies (CSIS) forum sa Washington D.C., Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, […]

  • Ateneo center Isaac Go itinalagang team Captain ng Gilas Pilipinas

    Itinalaga bilang team captain ng Gilas Pilipinas si Isaac Go para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga.     Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na papalitan nito si Rey Suerte na nagtamo ng sprained ankle injury.     Si Go ang top overall pick sa special Gilas round […]

  • Operasyon ng ABS-CBN, tuloy kahit mapaso ang prangkisa – NTC

    Binigyang katiyakan ng National Telecommunications Commission (NTC) na makakapag-operate ang TV Giant ABS-CBN kahit pa man mapaso na sa Mayo 4, 2020 ang kanilang legislatve franchise.   Ang pagtiyak ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa mga mambabatas sa isinagawang pulong ng House Committee on Legislative Franchises kung saan inilatag ang magiging ground rules sa pagdinig […]