Nakikipag-mabutihang bansa lang ang Pilipinas sa China- Sec. Roque
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI bahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China kundi nakikipag-mabutihang bansa lamang ang Pilipinas sa China.
Noong nakaraang Biyernes ay sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang magbayad ng Estados Unidos sa Pilipinas kung nais nitong nitong manatili ang tropang amerikano sa bansa.
Pumiyok ang Chief Executiive na hindi kayang magmatapang sa China dahil umiiwas ito sa anumang komprontasyon.
At sa tanong kung matapang lang si Pangulog Duterte sa Amerika subalit malambot pagdating sa China ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, “Hindi naman totoo iyan.”
“Ang ginagawa lang naman po ni Presidente ay nakikipagmabuting kapitbansa sa bansang Tsina dahil sa gustuhin at ayaw natin, talaga namang kapitbansa natin iyan ‘no,” ani Sec. Roque.
“Sabi nga nila, kinakailangang makipagkasundo sa kapitbahay, maski hindi ka makipagkasundo sa kamag-anak ‘no. Importante po talaga na magkaroon tayo ng mainit na pagsasama sa ating mga kapitbansa in the same way na importante iyong pagiging mabuting kapitbahay natin sa ating mga lokalidad,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, nais lamang naman ng pamahalaan ng makatarungang kompensasyon para sa Visiting Forces Agreement, kung saan ay pinapayagan ang US troops at mga kagamitan nito sa Pilipinas, upag maging “valid military target” kapag ang Washington ay nasangkot sa giyera.
“Pagdating naman po sa Amerika ay matagal na po kasi natin ito hinihingi sa kanila na magbayad ng tama,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Pfizer vaccines darating sa Abril
Inaasahan na darating sa bansa ang inisyal na suplay ng bakuna buhat sa Pfizer-BioNTech na nasa ilalim ng COVAX Facility. “Ang tingin po namin baka April na po ‘yung Pfizer kasi alam po natin na napakalaki ng demand ng Pfizer,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. Nasa 117,000 doses […]
-
ABOITIZ GROUP, nagpahayag ng suporta sa infrastructure agenda ng administrasyong Marcos
NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang private holding company na Aboitiz Group sa infrastructure agenda ng administrasyong Marcos partikular na sa “energy at water solutions development.” “We’ve had our past and we still have our future and we look forward to align ourselves whole heartedly with President Marcos Jr.’s agenda on infrastructure. We started in […]
-
Taas-pasahe sa jeep, bus at taxi aprub na ng LTFRB
INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon sa taas-pasahe sa Traditional Public Utility Jeepneys (TPUJs) at Modern Public Utility Jeepneys (MPUJs) gayundin sa Public Utility Buses (PUBs), Taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS) . Sa pinalabas na desisyon ng LTFRB board, P1 provisional increase ang inaprubahan sa […]