• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakikita na ang aktres ang makakatuluyan: MARCO, naramdaman na si CRISTINE ang ‘the right one’ para sa kanya

BUKOD sa panonood ng special screening ng “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” na nagtatampok kina Cristine Reyes at Marco Gumabao, hindi mo maiwasang tingnan ang sweetness ng lead stars na umamin nang real couple na sila.

 

 

Na ayon kay Marco ay nagsimula na siyang ma-attract kay Cristine nang una silang magkasama sa “Tubig at Langis.” Humanga rin si Marco sa husay umarte ng aktres, at since then naging close na sila.

 

 

Sa pilot week ng serye ay may eksenang nag-propose si Marco kay Cristine, eh, uso ngayon ang sunud-sunod na marriage proposals ng mga stars, kaya natanong sila sa mediacon kung possible bang doon na rin sila patungo?

 

 

Nakangiting sagot ni Cristine, “ang aga!”

 

 

Pero ang sagot ni Marco, “Oo naman, of course, ako nakikita ko.  Hindi naman ako magsasayang ng oras kung hindi ko nakikita ang tao for the end game.”

 

 

Ilang taon na rin palang single si Marco kaya sa tingin niya ngayon pa lamang niya nakita ang the right one.

 

 

“Ilang beses na rin akong tinatanong kung bakit ayaw ko pang mag-girlfriend, ang sagot ko, hinihintay ko pa ang the right one para sa akin.  And I think and I feel it’s Cristine.”

 

 

Kaya maraming kinilig sa narinig nila from Marco, even ang co-star nilang si Cesar Montano.

 

 

Muling isasabuhay ng TV5 ang 80s classic love story na “Minsan Pa nating Hagkan ang Nakaraan” na pinagbidahan noon nina Vilma Santos, Christopher de Leon at Eddie Garcia.

 

 

Ang TV remake ay produced ng Sari Sari Network, Inc. in collaboration with VIVA Entertainment.  Dapat ay this Monday, July 24, ang pilot telecast nila, pero maggi-give way muna ang network sa Second SONA ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. kaya sa Tuesday na, July 25 sila mapapanood at 4:40 PM sa TV5 at 8 PM sa SARI SARI Channel.

 

 

Available din ito sa Cignal TV, SatLite Ch. 3 at Cignal Play.

 

 

                                                            ***

 

 

MUKHANG tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ni former Manila Mayor Isko Moreno, matapos siyang pumirma ng long-term exclusive contract sa Sparkle  GMA Talent Arm.

 

 

Ayon sa report ni Nelson Canlas sa “24 Oras,” sinabi ni Yorme na malaking bahagi ng buhay niya ay sa Kapuso Network at kay German Moreno, ang kanyang showbiz mentor.

 

 

Ipinarating naman ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon at Senior Vice-President Atty. Annette Gozon-Valdes ang kanilang special message kay Yorme: “Alam ng lahat na si Isko ay naging successful sa kanyang showbiz at public service careers, Yorme Isko is still young and we don’t know where his destiny will bring him.  Kaya Isko, whatever the future might bring, we wish you all the best and God speed.”

 

 

“Si Yorme ay isa sa mga tao na lumilingon sa pinanggalingan at may utang na loob.  Ganu’n yung pagkatao niya, and we’re very happy na nag-sign ulit siya sa GMA now as a Sparkle talent.”

 

 

Nagpasalamat din si Yorme sa mga sumusuporta sa kanila at sa mga co-hosts sa “Eat Bulaga,” nang tumaas ang rating nila sa noontime show.

 

 

“Salamat na hindi ninyo kami iniwanan at ginawa pa ninyo kaming number one sa puso ninyo.  Basta ang sukli namin sa inyo, ligaya at tulong para maging masaya ang inyong afternoon habang kayo ay nananghalian na kasama namin sa ‘Eat Bulaga’.”

 

 

                                                            *****

 

 

MATATAPOS na ang taping ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards ng apat na episdoes ng drama anthology na “Magpakailanman” hosted by Ms. Mel Tiangco, na ipalalabas sa apat na Saturdays ng August.

 

 

Matagal na rin pala ang huling pagganap ni Alden sa #MPK noon pang 2017 na gumanap siyang isang Marawi soldier.  Para sa first episode niya sa #MPK, si Sanya Lopez ang special guest niya.  Special request pala siya ni Alden dahil hindi pa raw niya nakakatrabaho ang aktres.

 

 

May isa palang role na gustong gampanan si Alden, ito ay i-portray ang katauhan ni Atty. Felipe Gozon, ang Chairman & CEO ng GMA Network.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • NCAA referee binugbog

    MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang NCAA Management Committee ukol sa pambubugbog sa isang referee ng ilang kala­lakihan matapos ang laro ng Mapua University at College of Saint Benilde sa NCAA Season 100 men’s basketball noong Sabado sa MOA Arena sa Pasay City.     Ayon kay NCAA ManCom chairman Hercules Callanta ng host school Lyceum, hihingi […]

  • Bilang bahagi ng anti-piracy campaign ng GMA Network: MIGUEL at YSABEL, nanguna sa panghihikayat na suportahan ang legitimate streaming platforms

    BILANG bahagi ng anti-piracy campaign ng GMA Network, nag-release ito ng bagong video plug tampok ang lead stars ng pinaka-inaabangang live-action adaptation na Voltes V: Legacy. Sa video, ipinahayag ng lead actor na si Miguel Tanfelix (Steve Armstrong) ang kahalagahan ng legal streaming platforms para sa kabuhayan ng mga gumagawa nito. “Suportahan po natin ang local TV networks, […]

  • ALAMIN: Mga bagong guidelines sa COVID-19 vaccination

    Higit isang buwan mula nang mag-umpisa ang Pilipinas sa rollout ng mga bakuna laban sa COVID-19, naglabas ang Department of Health (DOH) ng karagdagang panuntunan bilang gabay sa mga pagbabakuna.     Sa ilalim ng Department Memorandum No. 2021-0175 na may petsang April 8, 2021 nakasaad ang ilang karagdagang guidelines para sa publiko at vaccination sites.   […]