• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakilala at naging kaibigan si Alden: JULIA, inamin na first project na na-enjoy dahil maraming natutunan

NA-AMAZE pala si veteran actor ER Ejercito, nang mapanood niya ang world premiere ng special limited series na “Maging Sino Ka Man” last Monday evening sa GMA-7.

 

 

Nagpakita nga ng husay sa mga action scenes ang mga bidang sina Barbie Forteza at Davie Licauco.  Pinuri ni ER ang dalawang co-stars niya.  Pinatutunayan daw ni Kapuso Primetime Princess Barbie na isa siya sa mga brightest stars of her generation.

 

 

Nag-comment si ER nang makausap siya ni Nelson Canlas sa “24 Oras” na pinuri nga nito si Barbie at ang screen partner niyang si David.  “Talagang magaling si David,” wika ni ER.

 

 

“Realistic ang kanyang acting. At may potensyal siyang maging next big action star.  Naniniwala rin akong Barbie will be the next Primetime Queen ng GMA.”

 

 

Last Monday, September 11,  “Maging Sino Ka Man” delivered heart-stopping action scenes, kaya naman nag-trending topics ito sa Philippine Twitter.

 

 

Hudyat din ito ng pagbabalik ng BarDa loveteam sa GMA Telebabad pagkatapos ng kanilang historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

Bukod sa bagong TV series, may coming movie naman sina Barbie at David, ang “That Kind of Love” na partly shot in South Korea last summer.

 

 

Napapanood naman gabi-gabi ang “Maging Sino Ka Man” at 8:00 p.m. after “24 Oras,” sa GMA-7.

 

***

 

 

BAGO magpakilig sa big screen sina Alden Richards at Julia Montes ng first movie nila together na “Five Break-Ups and A Romance,” bumisita muna sila sa Lyceum of the Philippines University-Manila, last September 13.

 

 

Bilang simula ng promotion ng kanilang movie na mapapanood na sa October, 2023, sumali sila sa Sparkle Caravan Campus Tour, courtesy ng GMA Synergy, na ginanap sa JPL Hall of Freedom ng NCAA school.  Sumali rin sa caravan ang mga students ng Lyceum na interesadong maging GMA Sparkle artist.

 

 

As of now, busy na sina Alden at Julia sa pagpu-promote ng upcoming movie nila sa Metro Manila at provinces. Balita ring magkakaroon ng special screenings ang movie kasabay ng showing nito sa mga sinehan.

 

 

Happy rin silang mag-share sa mga fans ng nabuong friendship at deep connection sa pagitan nilang dalawa habang nagsu-shooting ng movie under the direction of Irene Villamor, na produced ng GMA Pictures, Cornerstone at Myriad Productions ni Alden.

 

 

Inamin ni Alden sa isang live broadcast nila ni Julia, na sa rami na raw ng nakatrabaho niya at sa rami ng nagawa niyang projects, naging remarkable daw ang pagtatambal nila dahil napakahusay na actress ni Julia, at napakaganda ng pagkatao nito.

 

 

Si Julia naman, ito raw naman ang first project na na-enjoy niya dahil ang dami niyang natutunan, at nagkaroon siya ng isang kaibigan na tulad ni Alden. Alam na raw niya kung bakit iniidolo ng mga fans niya ang actor.

 

 

***

 

NGAYONG may follow-up series sina Barbie Forteza at David Licauco, humihingi rin ng follow-up project ang mga fans ni Julie Anne San Jose, na bigyan din ng project sina Dennis Trillo at Julie Anne, pagkatapos nga ng “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

Request nila ay isang romantic-comedy series ang gawin nina Dennis at Julie Anne na tiyak daw na babagay din sa dalawa.

 

 

Sa ngayon kasi, may coming new GMA teleserye si Dennis, ang “Love Before Sunrise” na makakatambal niya ay si Bea Alonzo.

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • LA Tenorio sumailalim sa opera

    KAHIT ang Iron Man, kailangan ding maglangis ng mga pumapalyang piyesa. Kaya si LA Tenorio, nagpasya na ipaopera na ang lumalang sports hernia na nakuha pa sa finals ng PBA Commissioner’s Cup.   Martes sumalang sa surgery ang Tinyente ng Ginebra, wala na sa sidelines sa 109-104 win ng team kontra Terrafirma sa Ynares Center-Antipolo […]

  • MAJA, pinupuri sa ‘Arisaka’ at mukhang makakalaban nina SHARON at KIM sa pagka-Best Actress

    PINUPURI nga ng netizens ang official poster ng Arisaka na pinagbibidahan ni Maja Salvador na magwo-world premiere at magko-compete sa 34th Tokyo International Film Festival (TIFF)     Inilabas na rin ni Direk Mikhail Red official trailer at makikita si Maja na isang policewoman na trying to escape and survive habang hinahabol ng mga kapwa-pulis headed by Mon Confiado.     […]

  • NORA, matsa-challenge na naman sa pagtanggap sa lead role ng ‘Kontrabida’

    ISA na naman challenge sa kanyang career ang tatahakin ni Superstar Nora Aunor sa pagtanggap niya ng lead role sa Kontrabida, ang bagong obra ni Direk Adolfo Alix, Jr. under Godfather Productions ni Joed Serrano.     Nauna na ang anunsiyo last December na may gagawin project si Ate Guy sa produksyon ni Joed at […]