• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NORA, matsa-challenge na naman sa pagtanggap sa lead role ng ‘Kontrabida’

ISA na naman challenge sa kanyang career ang tatahakin ni Superstar Nora Aunor sa pagtanggap niya ng lead role sa Kontrabida, ang bagong obra ni Direk Adolfo Alix, Jr. under Godfather Productions ni Joed Serrano.

 

 

Nauna na ang anunsiyo last December na may gagawin project si Ate Guy sa produksyon ni Joed at nagpahayag nang excitement ang batikang concert producer.

 

 

Kung anong extent nang pagiging kontrabida ang ipamamalas ni Ate Guy ay mababalangkas ito sa script na susulatin ni Jerry Gracio.

 

 

Mahilig si Ate Guy sa pagtanggap ng mga kakaibang roles, gaya na rin nang kanyang pagpasok sa film production noong araw para makagawa siya ng mga de-kalidad na pelikula.

 

 

Bida-kontrabida ang role ni Ate Guy sa award-winning film Bakit May Kahapon Pa? which won for her an Urian award.

 

 

Ayon kay Direk Joel Lamangan, na director ni Ate Guy sa nasabing Viva Film, bagay na maging kontrabida si Ate Guy. Sa husay na aktres ni Ate Guy, kaya niyang magbigay-buhay sa kahit na anong role with aplomb.

 

 

Ngayon pa lang ay excited na ang mga fans ni Ate Guy dahil may bagong project na naman silang aabangan mula sa aktres.

 

 

Congratulations nga pala kay Ate Guy sa kanyang panalo bilang Best Actress mula sa GEMS Awards para sa Isa Pang Bahaghari.

 

 

For sure, isa na naman gem of a performance ang ating maasahan mula sa kanya sa Kontrabida. (PHOTO by: MELL NAVARRO)

 

 

***

 

 

THERE must be something about Sean de Guzman na nakapukaw ng interes ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films kaya pinamirma niya ang binata ng 12-picture contract.

 

 

Yes, certified Viva contract star na si Sean after signing a contract sa Viva last Wednesday. Kasama ni Sean sa contract signing ang manager niyang si Ms. Janilyn Carrillo.

 

 

Mukhang maganda ang pasok ng taon para kay Sean. Siya ang napisil ng Godfather Productions para magbida sa Anak ng Macho Dancer na magkakaroon ng streaming sa January 30 via KTX.PH

 

 

To be singled out and offered a contract by Viva is something to be happy about. Unti-unti na ngang natututupad ni Sean ang kanyang mga pangarap.

 

 

Wish namin siyempre ay pumatok sa viewers ang Anak ng Macho Dancer para masundan pa ito ng mas maraming acting assignments para kay Sean.

 

 

***

 

 

MAPAPANOOD na ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King sa TV5 mula ngayong Linggo, January 24.

 

 

“This collaboration between CIGNAL, TV 5, Brightlight Productions and ABS marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership,” wika ni Robert P. Galang, president and CEO of Cignal and TV 5.

 

 

”The airing of ASAP and FPJ’s movies on TV 5 showcases the desires of TV 5 and ABS-CBN to serve the viewers the best way possible.”

 

 

Kaya for sure, one of these days, baka mapanood na rin natin ang ibang programa ng Kapamilya like FPJ’s Ang Probinsiyano, among others.

 

 

Pero siyempre wish pa rin namin na mabigyan ng bagong franchise ang ABS-CBN dahil deserve naman nila na mabigyan ng bagong franchise.

 

 

Kaya sana ay magkaroon ng magandang resulta ang bill that was filed by Cong. Vilma Santos-Recto para magkaroon ng bagong prangkisa ang Kapamilya network. (RICKY CALDERON)

Other News
  • DA, inaasahan na bababa ang presyo ng sibuyas sa ₱100-150/kilo sa oras na dumating na ang inangkat na kalakal

    INAASAHAN na ng  Department of Agriculture (DA) na bababa ang presyo ng sibuyas  sa halagang ₱100  kada kilo sa oras na dumating na sa bansa ang inangkat na kalakal.     “We are looking at the ₱100-150 (per kilo) cap. These are estimates only because we have to get first the final price of the […]

  • Kelot itinumba sa Malabon

    ISANG lalaki na hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang namatay matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Jerome Josue, 27 ng 64 Damson St. […]

  • Valenzuela LGU, Ford motors nagsagawa ng libreng driving training

    SA pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na isulong ang ligtas na pagmamaneho, nakipagtulungan sina Mayor WES Gatchalian at Konsehal Sel Sabino-Sy sa Ford Motors Company at nagsagawa ng pagsasanay na tinawag na “Ford Driving Skills For Life,” na ginanap sa Club House, Barangay Canumay West.     Halos 300 katao ang nakilahok sa nasabing […]