Nakipagbarilan, drug suspect todas sa Malabon buy bust
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
Todas ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang suspek na si Erwin Arcega, 39 ng 41 Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog na hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.
Ayon kay Col. Villanueva, dakong 10:40 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kontra sa suspek sa P. Concepcion, Brgy. Tugatog.
Nabatid sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Diego Ngippol na habang nagaganap ang transaksyon sa pagitan ng suspek at ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ay napansin ni Arcega na parak ang kanyang katransaksyon.
Agad naglabas ng baril ang suspek at pinutukan ang poseur-buyer na naging dahilan upang mapilitan namang gumanti ng putok ang back-up na operatiba hanggang sa tamaan si Arcega sa katawan kaya’t isinugod ito ng mga pulis sa naturang pagamutan.
Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang isang ca. 38 revolver na kargado ng dalawang basyo ng bala at tatlong bala, dalawang basyo ng bala ng cal. 9mm, isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at wallet na naglalaman ng assorted ID’s, P650 cash. (Richard Mesa)
-
Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas tumuntong na lagpas 2.6 milyon
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,748 bagong infection ng coronavirus disease, Lunes, kung kaya’t nasa 2.6 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa. Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito: lahat ng kaso: 2,604,040 nagpapagaling pa: 106,160, […]
-
Valenzuela LGU nagbigay ng 4 motorcycle patrols sa Barangay Parada
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng karagdagan apat na unit na mga bagong motorcycle patrol sa Barangay Parada para magamit nila sa pagpapatrulya sa kanilang nasasakupan. Pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pormal na pagturn-over ng naturang mga motorcycle patrol kay Barangay Parada Punong Barangay John Ajero na ginanap sa 3S Center, […]
-
Para maging ganap na batas: PBBM, tinintahan ang Magna Carta of Filipino Seafarers law
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Republic Act 12021 o Magna Carta of Filipino Seafarers Law para maging ganap na batas. Ang ceremonial signing ng Magna Carta of Filipino Seafarers ay idinaos sa Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang. “The Magna Carta of Filipino Seafarers institutionalizes the protection of […]