Nakipagpulong din sa mga Chinese delegates: Sen. IMEE, personal na namahagi ng tulong sa Dingalan at Polillo Island
- Published on October 14, 2022
- by @peoplesbalita
I-TAG kasama si Senator Imee Marcos sa kanyang newest vlog entries na kung saan ang kanyang ‘ImeeSolusyon’ ay nagbigay ng kinakailangang tulong sa mga biktima ng super typhoon Karding.
Bumisita si Senator Imee sa munisipalidad ng Dingalan, sa lalawigan ng Aurora, at sa Polillo Island sa Quezon para personal na ipamahagi ang mga relief items sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, na nasalanta ng malakas na bagyo.
Namigay ang butihing Senadora ng cash assistance na Php 5,000.00 bawat isa sa mga residente kasama ang Nutribuns, food packs, itlog at gulay, sako ng bigas, at hygiene kits.
At sa Sabado, Oktubre 15, ibabahagi naman ni Sen. Imee ang isang video footage ng kanyang pakikipagpulong sa mga Chinese delegates na bumisita kamakailan sa bansa, habang binibigyan sila ng exclusive tour sa makasaysayang Marcos mansion sa San Juan City.
Magtatampok din sa naturang vlog, ang mga highlights ng pulong at isang eksklusibong bidyo sa espesyal na regalo na ibinigay sa kanya ng mga Chinese visitors.
Maantig at magkaroon ng malalim na kamalayan sa kalagayan ng mga nasalanta ng bagyo at alamin kung ano ang espesyal na regalo na natanggap ni Sen. Imee.
‘Wag ding kalimutang mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.
(ROHN ROMULO)
-
Residential building sa Malabon gumuho, 3 sugatan
ISANG 22-anyos na dalaga ang na-trap habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang apat na palapag na residential building sa Malabon City, Linggo ng umaga. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, si Ronalyn Tumbokon ay na-rescue bandang alas-11:25 ng umaga nang ma-trap ng higit apat na oras matapos gumuho ang […]
-
Pagpapasinaya sa Bicol International Airport, pinangunahan ni PDu30
Sa kanyang naging talumpati, sinabi ng Pangulo na masaya siya na naging bahagi at kasama sa inagurasyon ngayon ni Pangulong Rodrgo Roa Duterte ang pagpapasinaya sa Bicol International Airport sa Brgy. Alobo, Daraga, Albay. Ang pagkumpleto aniya ng world-class state ng gov’t infrastructure project ay nagbigay sa pamahalaan ng karangalan at kasiyahan dahil makapagbibigay […]
-
Panukalang Mandatory Immunization Program, pasado sa ikalawang pagbasa
Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8558 o ang “Mandatory Immunization Program Act,” na pangunahing iniakda nina Deputy Speaker Strike Revilla at Committee on Health Chairperson Rep. Angelina Tan. Layon ng panukala na ipawalang bisa ang Republic Act 10152 o ang “Mandatory Infants and Children Health Immunization […]