• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakumpletong flagship infra projects, pumalo na sa 15 mula sa 119 —DPWH

TUMAAS na sa 15, “as of June” ngayong taon ang bilang ng mga infrastructure flagship projects (IFPs) sa ilalim ng  “Build, Build, Build” initiative ng nagdaang administrasyon.

 

 

Sa isinagawang House Organizational Meeting of the Committee on Flagship Programs and Projects, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Senior Undersecretary Emil Sadain na mayroong tatlo pang  IFPs ang nakumpleto sa loob ng unang bahagi ng taon.

 

 

Ito ang dahilan para makumpleto ang IFPs sa 15 mula sa 119. May 12 lang kasi ng IFPs ang natapos ng DPWH noong Abril.

 

 

“These three newly completed projects are the P7.505-billion Flood Risk Management Project in Cagayan, Tagoloan, and Imus Rivers; the P5.947-billion China grant-funded Metro Manila Logistics Network (Estrella-Pantaleon and Binondo-Intramuros Bridges); and the P9.759-billion LRT-2 East Extension Project,” ayon kay Sadain.

 

 

Napaulat na ang unang 12 proyektong nakompleto para sa taong 2020 ay “P1-billion Improvement of remaining sections along Pasig River from Delpan Bridge to Napindan Channel, P245-million Pulangi 4 Selective Dredging Phase 3, P1.436-billion Sangley Airport, P3.29-billion Angat Water Transmission Improvement Project, P18-billion New Clark City Phase 1, P14.972-billion Clark International Airport Expansion Project at P1-billion Luzon Bypass Infrastructure Project.”

 

 

Habang ang mga proyekto naman na nakompleto para sa taong 2021 ay P950-million LTO Central Office Command Center, P1.096-billion General Santos Airport, P971-million Programme for the Support to Rehabilitation and Reconstruction of Marawi City and its Surrounding Areas, P5.724-billion Metro Manila Logistics Network: Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road Project at P21.966-billion MRT-3 Rehabilitation Project.”

 

 

Samantala, ang mga proyekto naman na natapos lamang nitong nakaraang buwan ng Hunyo ay  “P1.166-billion Samar Pacific Coastal Road Project at ang P5.445-billion Matibug-Maridagao Irrigation Project Stage 2.”

 

 

Kasalukuyan namang nagpapatuloy ang  P750-million Motor Vehicle Recognition and Enhancement System Project na may  87% completion rate, habang ang  P2.783-billion Unified Grand Central Station ay nagpapatuloy din na mayroong  76.29% progress rate.

 

 

Mayroon ding  10 IFPs ang inaasahang mako-kompleto sa Disyembre  2022, kabilang dito ang “P4.573-billion Pasig-Marikina River Channel Improvement Project Phase 5 (92.73% complete),  P4.497-billion Chico River Pump Irrigation Project (87.64% complete, partially inaugurated noong Hunyo 25, 2022), at P4.798-billion Bicol International Airport Development Project (97.328%, inaugurated noong Oktubre  6, 2021).

 

 

Sa kabilang dako, mayroon namang 90 IFPs ang nasa  “implementation and completion stage” para sa taong 2023 pasulong.

 

 

Mayroong ongoing construction na 37; ongoing detailed engineering design na 11; ongoing processing ng financing na 7 ; ongoing procurement na 8 eight; ongoing government approval na 8 ; at ongoing project preparation na 19.

 

 

Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maglalaan ang pamahalaan ng 5% hanggang 6%  ng  gross domestic product (GDP) sa  infrastructure projects ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • DA naghahanda sa ‘worst case scenario’ sa suplay ng bigas dahil sa El Niño

    TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang anumang ‘worst-case scenario’ pagdating sa suplay ng bigas, bunsod na rin ng banta ng El Niño phenomenon.     Ayon kay Estoperez, tinatrato ng DA ang El Niño, gaya rin ng iba pang kalamidad, dahil ang […]

  • Bong Go: Government vaccination vs tigdas, pertussis suportahan

    UMAPELA si Senador Christopher “Bong” Go sa mga magulang na suportahan at makipagtulungan sa programa ng gobyerno na pagbabakuna upang maprotektahan ang kanilang mga anak mula sa iba’t ibang sakit.     Ito ay sa gitna ng mga ulat na pagtaas ng kaso ng tigdas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at pertussis […]

  • Donaire nakaabang lang kay Casimero

    Wala pang dumarating na opisyal na komunikasyon kay World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire mula sa kampo ni World Boxing Organization (WBO) titlist John Riel Casimero.     Ito ang isiniwalat ni Donaire kahapon kung saan nakaabang lamang ito sa mga magiging aksyon ng grupo ni Casimero.     Magugunitang […]