Nalungkot lang na ‘di nakarating para tanggapin ang award: LOTLOT, nakasungkit uli ng Best Supporting Actress trophy sa ‘The 5th EDDYS’
- Published on November 29, 2022
- by @peoplesbalita
SA ikalawang pagkakataon sa loob lamang ng isang buwan ay nanalong Best Supporting Actress si Lotlot de Leon para sa pelikulang ‘On The Job 2: The Missing 8’.
Una ay pinarangalan si Lotlot sa Gawad Urian noong November 17, at nito namang Linggo ng gabi, November 27, ay muling nasungkit ni Lotlot ang Best Supporting Actress trophy sa The 5th EDDYS ng SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors.
Ikinalungkot lamang ni Lotlot na hindi siya nakarating sa mismong awards night para personal na tangggapin ang kanyang award; may naka-schedule kasi siyang swab test the following morning, Monday, kaya kinailangan siyang mag-quarantine buong araw ng Sunday. Ang swab test ni Lotlot ay para sa taping ng isang TV show the following day, Tuesday.
Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang social media account ay nagpahatid si Lotlot ng pasasalamat sa buong grupo ng SPEEd; ito ang mensaheng nakalagay sa verified Facebook account ng aktres…
“Your love endures forever father in heaven!
“Sa lahat ng bumubuo ng EDDYS AWARDS mula sa aking puso Maraming Maraming Salamat! This means so much to me po!
“To my OTJ family, Direk Erik, Sir Don, Ms. Mich to everyone from @realitymmstudios thank you!
“Maraming Salamat sa tiwala!
“Para din po ito sa lahat ng mga journalist, writers, reporters, news anchors na patuloy na pinaglalaban makarating sa ating lahat ang katotohanan!
“Mabuhay kayo!
“To God be the greatest glory!!! ”
#OnTheJobTheMissing8
***
BATA pa lamang sila ay magkaibigan na sina Hajji Alejandro at Danny Javier.
“And then lalo ko siyang nakilala, nag-concert tour kami lahat ng artists ng Jem Records, kasama si Ryan Cayabyab, sila Celeste Legaspi, Florante, Susan Fuentes, iyon sabay-sabay kaming kumakain.
“For several months nag-tour kami nationwide promoting Christmas albums as well as our individual na kanya-kanyang album.
“Dun ko nakilala talaga na totoong tao talaga si Danny Javier and napakalaking kawalan niya sa ating industriya.”
“Iba siya, iba siya so mami-miss taga ng industriya si Danny Javier,” ang sinabi pa ni Hajji tungkol sa yumaong member ng APO Hiking Society.
Samantala, ang ‘Mana-Mana Lang’ na concert ni Hajji at Rachel Alejandro ay gaganapin sa December 9 sa ballroom ng Winford Manila Resort & Casino sa Tayuman sa Maynila sa likod ng SM San Lazaro.
Guest sa concert si Rox Puno na anak naman ng isa pang music icon na si Rico J. Puno.
Ang musical director ng concert ay ang anak rin ni Hajji na si Ali Alejandro ng grupong Mojofly na guest rin sa concert.
Sa direksyon ni Vergel Sto. Domingo, si Tony Boy Faraon ng Rotary Club of Manila ang producer ng naturang concert.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
E-sabong, patuloy na binabantayan ng PNP
TINIYAK ni Philippine National Police Chief PGen Benjamin Acorda Jr. na patuloy na binabantayan ngayon ng Pambansang Pulisya ang online sabong sa bansa. Sa isang pahayag ay sinabi ni PGen Acorda na sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ng Pambansang Pulisya sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular na pagdating sa mga […]
-
DOTr: Nagbabala laban sa “12-month free travel card” scam ng beep card
NAGBABALA ang Department of Transportation (DOTr) at ang AF Payments Inc. (AFPI) na siyang kumpanya at namamahala sa beep card systems, sa kumakalat na pekeng online promosyon na magbibigay daw ng 12-buwan na libreng travel card. “There is no authorized promotion of such beep cards offering free rides, calling posts about is […]
-
Nagtala ng mataas na ratings: Radyo5 TRUE FM, pinarangalan bilang Best Radio Station sa ’11th Makatao Awards”
MAY bagong milestone na nakamit ang Radyo5 TRUE FM matapos tanghaling bilang ‘Best Radio Station’ sa 11th Makatao Awards ng People Management Association of the Philippines o PMAP kamakailan. Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng malaking tagumpay para sa Radyo5 mula nang nag-rebrand ito noong Marso at binago ang kanilang programa upang […]