Nalungkot na ‘di na ito na-witness ni Direk Marilou: CESAR, naluha nang mapanood ang restored version ng ‘Jose Rizal’
- Published on August 9, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI napigilan ng batikang aktor na si Cesar Montano na maluha matapos panoorin ang digitally restored and remastered version ng ‘Jose Rizal’, ang pelikulang pinagbidahan niya noong 1998 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theatre.
“This movie was released about 26 years ago, hindi ko akalain na mapapaiyak pa rin ako, e. Sobra, sobrang ganda. Magaling ‘yung pagkakagawa, napaka-genius talaga ng pagkaka-direct nitong movie,” saad niya.
“Ako, natutuwa ako because of this newly-restored movie na ‘Jose Rizal.’ Nalulungkot din ako dahil sana nandito si Direk Marilou na na-witness niya ‘tong restoration na ‘to. It’s really a great honor to be part of this movie.”
Bago magsimula ang pagpapalabas sa pelikula, binalikan ni Cesar kung paano nila pinaghandaan ang pagganap bilang Jose Rizal.
“Nung time na ‘yun, 1998, ang nasa isip ko lang ay paggawa ng action films, puro action films po ginagawa ko. At ito pong ating mahal na direktor, eh siya po ang dream ng halos lahat ng aktor sa Pilipinas na makatrabaho dahil napakagaling po talaga nito ni Direk Marilou Diaz-Abaya, biglang in-offer sa ‘kin ang ‘Jose Rizal,’” pagbabalik-tanaw ni Cesar.
“Sabi ko pa, parang ito na lang ‘yung maaalala sa ‘king pelikula ‘pag wala na ako bakit hindi ko tatanggapin itong ‘Jose Rizal.’ At tinanggap ko naman, sabi ko naman, siguro madali itong gawin.
“Eh kasama ko pa po puro mga National Artist. Ginawa ko po, hindi ko naman alam na napaka-perfectionist pala ng nanay nito ni Marc Abaya. Pinag-aral po ako ng Espanyol ng pitong buwan.”
Bukod rito, may mga araw din na pupunta sila sa bahay ng batikang direktor para lang magbasa ng libro at mga sulat noong panahon ni Rizal
***
NAGING sobrang close daw si Paul Salas kay Wendell Ramos sa taping nila ng ‘Shining Inheritance’ kaya turing niya rito ay parang second father niya.
“Nagkaroon ako ng second dad sa taping ng Shining Inheritance kay Kuya Wendell Ramos. Si Kuya Wendell, iba mag-advise. Hindi lang siya sa on-cam advice kundi off-cam din, sa kung paano i-treat ‘yung showbiz life, siyempre sa longevity ni Kuya Wendell Ramos,” sey ni Paul.
Para na rin daw niyang ikalawang pamilya ang buong cast ng kanilang teleserye.
“Nagkaroon din kami ng friendship nina Kyline Alcantara, Kate Valdez and Michael Sager. And, of course, si Tita Coney Reyes na sobrang na-surprise ako dahil at first sobrang nape-pressure ako feeling ko seryosong tao si Tita Coney, but sobrang jolly niya and she always shares the word of God and sobrang nakaka-inspire and sobrang kulit ni Tita Coney. So lalong nagiging masaya ‘yung set namin.”
***
TINAKBO sa ospital si Zac Efron after a pool incident in Ibiza, Spain.
Ayon sa report ng TMZ: “Efron was swimming in the pool in the early morning hours and took a dive. His chest hit the bottom of the pool, and he ingested a large amount of water in his lungs. He reportedly appeared in distress and security helped him out of the pool.”
Pagkatapos ng ilang X-rays, natanggsl na ang water sa lungs ng High School Musical star. Kaya na-released siya agad sa ospital.
Last Sunday, nakunan ang aktor na nagwu-workork sa tabi ng pool. Post pa niya sa Instagram: “Happy and healthy – thanks for the well wishes.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
Babala sa hoarders: 15 taong kulong, P2M multa ipapataw
PlNASASAMPOLAN ng isang lider ng Kamara de Representantes ang mga hoarder ng alkohol at iba pang produkto na lalo lamang magpapasama sa kalagayan ng bansa ngayong kumakalat na ang coronavirus disease. Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian sa ilalim ng Price Act ang mga hoarder ay […]
-
Mayweather at Pacquiao nanguna sa greatest boxer ng BoxRec.com
Nasa pangalawang puwesto sa bilang ‘greatest’ boxer ng BoxRec. com ang si Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Mayroong record ang fighting senator na 62 panalo, pitong talo at dalawang draw. Nasa unang puwesto naman si US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr dahil sa walang talo ito sa 50 na laban. Base […]
-
Diaz seselyuhan ang ika-4 niyang Summer Olympics
LUMAPAG na sa Tashkent, Uzbekistan si 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting 53-kilogram silver medalist Hidilyn Diaz upang pormalisahin na lang pang-apat na pagsabak sa 32nd Summer Games sa pagbahagi sa 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Abril 16-25. Abr. 10 nagbuhat sa Malaysia na naging kampo niya […]